Chapter 8

18K 539 42
                                    

Itim Na Sasakyan

NAKATULALA ako sa hawak kong 1,500 pesos habang minumurder si Wax sa utak ko. Aba! Inisahan ako ng baklang yun at yung tatlong libo pala na sinasabi nya ay hati pa kami kaya ito lang ang nakuha ko. Okay na din siguro to kesa sa wala. Malaking halaga na din ito para sa isang araw.

Bago ako umuwi ay pumunta ako sa isang drugstore para bumili ng gamot ni Mama. Halos maubos ang nakuha kong pera dahil sa mahal ng mga gamot nya. Wala din akong sapat na pera para ipa-check up sya kaya nagtyatyaga muna ako sa pagbili ng gamot na inereseta sa amin nung clinic ng baranggay namin.

Sumakay ako ng jeep para makauwi na. Saktong-sakto lang ang nakuha kong pera para makauwi at makabili ng ulam na hindi delata. Nagbayad na ako at may isang papel na umagaw sa atensyon ko na nasa loob ng luma kong wallet.

Napataas ang kilay ko ng makita ang calling card ni Alex. Tawagan ko kaya sya para malaman kung may pwede pa syang i-raket sa akin? Kahit isang libo sa isang araw ay pwedeng-pwede na sa akin. Baguhan palang ako kaya kahit maliliit na pagmomodelo ay tatanggapin ko. 

Pagdating ko sa baranggay namin ay napagpasyahan ko nalang na maglakad tutal ay hindi pa naman madilim. Ang pamasahe ko sana sa tricycle ay ipinang-load ko nalang para matawagan si Alex.

Ilang ring palang ay sumagot na agad sya. “Hello?” bungad nya agad. Yung boses nya ay parang natataranta at kinakabahan. Nung kaninang nakita ko sya ay parang okay pa naman sya, may problema kaya?

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. “Hello, Alex, si Vanessa ito.” marahan kong sagot.

“Vanessa?” tanong naman nito at parang mas lalong kinabahan. Napakunot ang noo ko.

“Ako yung kasama ni Wax. Okay ka--” Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nagulat ako ng binabaan nya ako. Akala ko ay naputol lang ang linya pero nung tinawagan ko sya ulit ay hindi nya nya sinasagot.

Nagtaka naman ako sa kinilos nya pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Siguro ay may problema sya ngayon. Sa susunod ko nalang sya kakausapin.

NAKIKITA ko na ang liwanag ng gasera sa bahay namin. Naputulan kami ng kuryente dahil hindi pa ako nakakabayad kaya ngayon ay nagtyatyaga muna kami sa gasera. Seven palang ng gabi at malamang gising pa si Mama. 

Simula nung nagsimula akong magtrabaho ay bihira ko nalang sya abutan na gising dahil halos nine na ng gabi ako nakakauwi.

Pagbukas ko sa kahoy na pinto namin ay nakita ko agad si Mama na tulala sa kawalan. Napakunot-noo ako at nagtaka, may problema kaya sya?

“Ma, nandito na po ako.” sabi ko para matawag ang atensyon nya. Bumaling sya sa akin at nagulat ako nang makita na mukhang kagagaling lang nya sa pag-iyak. Nakatulala lang sya sa akin at hindi ko mabasa ang iniisip nya.

Agad kong nilapag ang mga dala ko at natatarantang lumapit sa kanya. “Ma? Okay lang po ba kayo? May masa--”

Napahinto ako sa pagsasalita ng maramdaman ko ang palad nya na dumako sa pisngi ko. Nanlumo ang buong sistema ko at parang nanuot ang sakit ng sampal ni Mama sa pisngi ko.

“Ma...” naiiyak na bulong ko nang makahuma ako sa pagkabigla sa ginawa nya. Binaling ko ang tingin ko sa kanya at bakas sa mukha nya ang galit.

Naguguluhan ako at hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong matandaan na ginawang masama sa kanya o kahit sinabi man lang. Tumulo ang luha ko ng makita ko kung gaano sya kagalit sa akin sa di ko malamang dahilan.

“Ma, bakit nyo po ginawa yun?” utas ko at punong-puno iyon ng hinanakit.

Tiningnan nya ako ng masama at nakita kong tumutulo na din ang luha nya. “Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Vanessa? Kulang pa ba ang lahat ng ginawa ko sa iyo? Sabihin mo kung saan ako nagkulang. Lahat ginagawa ko para matustusan ka at para mabuhay tayo.” iyak nya at parang naiintindihan ko na kung ano ang nangyayari.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon