Chapter 3

25K 518 33
                                    

Sorry

“Iniba ang pangalan nito, Luis Vera Cruz Brewery Company. Kilala ito bilang LVCruz. Ang alam ko sinunod ito sa pangalan ng namatay na anak ni Luke. Saka halos ilang linggo palang ito pero ang dami na agad nagi-invest.” paliwanag sa akin ni Gian habang nag-iikot kami dito sa kompanya nila.

May bar si Luke kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ito ang bagong business nya. Ang dami pang pinagsasabi ni Gian na hindi ko na binigyan ng pansin. Kanina pa kasi ako nakikinig ng paliwanag, nakakasawa na.

Pinaliwanag sa akin kanina kung ano ang dapat kong gawin kay Luke. Mga dos and don’ts. Bawal may makaalam ng iba about dun sa pagpapa-ibig ko kay Luke lalong lalo na si Luke. Si Gian, Mayor at Feline lang ang may alam tungkol dun. Kung magawa ko daw yun, lahat ng hihilingin ko tutuparin nila. Paano kapag hiniling kong gusto ko ng snow sa Pilipinas, ibibigay kaya nila?

Napatingin ako sa orasan ko na halos ilang buwan kong pinag-ipunan para mabili lang. Malapit na palang mag-5pm. May trabaho pa ko. Oo, hindi lang si Luke ang pinagtata-trabuhan ko. Halos lahat yata ng part-time jobs napasukan ko na para lang magka-pera. Syempre, hindi alam yun ni Mama dahil talagang papagalitan nya ako. Saka para sa kanya naman din to, nakakapag-ipon ako kaya nabibili ko sya minsan ng gamot kapag sinusumpong sya ng sakit nya.

“Hindi ka naman nakikinig sa akin.” reklamo ni Gian sa tabi ko. Inirapan ko lang sya. Ano bang pakialam ko sa history nitong LVCruz? Magagamit ko ba yun sa pagpapaibig sa bwisit na Luke na yun?

“May trabaho pa ko, Gian. Napakatagal naman kasi nyang kaibigan mo. Parang babae sa bagal.” inis na sabi ko at tumingin ulit sa relo ko.

Alam din ni Gian ang tungkol sa mga escapades ko sa buhay. Sa tagal ba naman naming pagdadaldalan dito kanina pa, hindi ko makwento sa kanya ang talambuhay ko. Kanina pa kasi kami pinaghihintay nung leche kong boss.

“Bakit hindi ka kaya sa akin mag part-time?” nakangising sabi nya at pakiramdam ko agad ay hindi maganda ang sasabihin nito.

“Ano namang trabaho yan? Maid?” nakataas ang kilay kong sabi at inirapan sya. Aba kung malaki ang sweldo nyan, papatusin ko na.

“Hindi, magpanggap ka na girlfriend ko.” sabi nya na halos nagpasamid sa akin. Seryoso? Wala na talagang nasabing maganda tong lalaki na to. Agad ko syang sinuntok sa braso at nakita ko agad ang pagngiwi nya.

“Aray! Grabe naman to, hindi pwedeng mag-joke? Ang brutal mo talagang babae ka, kung makasuntok ka para kang maton. Eh ang payat payat mo naman?” tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at aamba na sana ako ng suntok pero agad iyong napatigil ng marinig akong tumikhim sa likuran namin.

“Oh! Nandyan na pala ang boss mo, Vane.”

Alam ko, Gian. Alam ko. Kahit hindi mo sabihin dahil aura palang nya alam na alam ko na. Pagkalingon ko ay binigyan ko sya ng plastic na ngiti. Anak ng kalechehan, paano ko kaya mapapaibig itong lalaking sobrang moody na to?

“Nandyan ka na pala, Sir. Hindi mo naman kami pinaghintay ng matagal. Hindi nga kami nainip, eh. Di ba, Gian?” sarkastikong sabi ko at tumingin kay Gian na nag-aalangan na ngumiti sa akin.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon