Chapter 1

1.2K 35 3
                                    

Hello misGANGSTER!! para sayo tong chapter na ito, eh kasi naman pinaiyak mo ko sa story mo yung Miss kulit meets Mr mayabang T____T (external link)

1st time kong iniyakan ang isang story sa wattpad huh! So, readers please read the story above :) (syempre after nun, basahin nyo din story ko! hahaha) 

_________________________________________________________

                "Ching-ching!!!!!"

                Wait lang. Parang kilala ko yung boses na yun ah. Ay hindi, imposible. Alam ko, bukas pa sila dadating kaya imposibleng si Re-

                "Chiiiiiiiiing-chiiiing!!!!"

                "RED?!?!?!?!"   \(T∇T)/ 

                Napatayo ako sa kama ko para tignan sa bintana kung si Red nga ba yung tumatawag sakin sa baba. Narinig kong nag-uusap na sila ni mama. 

                "Hi tita!"

                "Oh Red! Kumusta? Nakabalik na pala kayo? Mama mo?"

                “Nasa bahay po, nagaayos pa ng mga gamit, alam niyo na... Pasalubong hehe"

                "Naks! O siya, pababa na si Denisse. Halika muna sa loob!"

                Tumingala si Red at kinawayan ako! Para naman akong nasa rehas nito dahil sa bintana. Hahahaha 

                "Oy Toledo! Bat nandito ka na?! Teka lang. Baba na ko!!!"

                Tumalon ako sa kama ko at BOOOG!!! AKFHIJ!(*#(!@$*JDKJGL:!

                Hahahahaha sa sobrang taba ko, muntik na ata masira yung sahig sakin. Dali-dali akong bumaba at nakita kong nakatayo si Red sa may sala namin. 

                Okaaaay, di naman niya ko kita eh. May gagawin ako! Bwahaha

                Tumakbo ako at pumasan sa likod niya. 

                Na-out of balance siya kasi nagulat siya sa ginawa ko at..  BOOOGALAG!! !@)$*){!($){@*%)*^$%$&(#^*@

                Hahaha parehas kaming nahulog sa sahig! Araaaay!!! Buti na lang pa-side yung pagkahulog namin kaya di ko siya nadaganan kundi pirat yun hahaha pero kahit na masakit yung pagkalaglag ko ah. 

                Hahahahahaha nagtawanan kami. Hayyyy nakakamiss tong bespren ko!!

                Tumayo si Red. 

                "Wow! Gumaan ka ata? Hahahaha" tas tinayo niya ako

                "Hahahaha wala akong sugat o bukol oh! Improving Hahahahaha" pang-aasar pa niya sakin

                "Sira ka! Wala ba? Ulitin ko gusto mo? Hahahahaha"

                Lagi kasi siya nabubukulan at nasasaktan pag tinatalunan o kaya binabangga ko siya eh. Buti ngayon, wala.  Swerte siya =))

                "Hmmmm next time mapipirat ka na! Parang sardinas!!! Gaganunin kita!!! Kala mo ah!!"

                "Woah!!! Scary. Hahahahaha wag! Takot ako please! Hahahahaha"

Diary ng Tababoy.Where stories live. Discover now