Chapter 19

433 11 1
                                    

Tababoy tababoy

Oink oink tababoy

                Bat ganto? Bat nagfaflashback ngayon yung nangyari last 12 years ago? Ibig sabihin ba nito?

                Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung paglagay niya ng white rose sa kaliwa kong tenga. Yung pag-sorry niya sakin. Na maganda daw ako kahit mataba. Yung mga mata niyang kumikislap.

                "Ching-ching! Uy ching-ching.."

                "Ha?", hindi ko namalayang ang tagal ko nang nakatulala dahil sa kakaisip ko dun sa batang makulit na yun.

                "Sabi ko sorry :)", sabay abot niya ulit nung white rose na pilit niyang binibigay sakin at hindi ko naman agad nakuha kasi nagugulat ako sa mga nangyayari. 

                Ahh. Naalala ko na naman. White Rose. Siya? Si Red? Na bestfriend ko? Yung bata nun? Naguguluhan na ko. Bat ba hindi ko agad napansin? Kamukha ba niya? Pinagmasdan ko yung mga mata niya. Hinding-hindi ko malilimutan yung mga matang yun.

                "Uy Ching. Kausapin mo naman ako. Sorry na oh. Please. Hindi ko na uulitin yun. At sige kung gusto mo pupuntahan yung si Arick, ako mismo mag-sorry sa kanya basta bati na din tayo? Please :)"

                "Ah-", ano ba yan, nauutal ako. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya, "Sige. Ok naman na ko. Magsorry ka na lang sa kanya", tulala pa rin akong tumalikod sa kanya

                "Ah. Red!", bigla kong harap ulit, "Para san 'to?", medyo tinaas ko yung rose na bigay niya, "para san tong bulaklak?". Hindi na ko mapakali talaga kaya ko tinanong na sa kanya.

                "Ah yan ba? For forgiveness mo. Sabi kasi ni mommy bigyan ko lang ng white rose yung mga taong naka-", niyakap ko na siya kahit hindi pa niya natapos yung sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na kasi ako nakapag-pigil. Gumaan yung pakiramdam ko nung magkayakap kami at alam kong nakangiti siya.

                "Bat hindi ko agad napansin?", bulong ko sa sarili ko habang nakatingin na sa mukha niya.

                "Ang alin?", weird niyang tanong.

                "Wala wala! Ah nga pala. Naiwan mo yung monthsary gifts mo kay Kylie! Teka kukunin ko sa loob."

                "Ah hindi na."

                "Huh?"

                "Sayo na yun. Wala na kaming monthsary. Nagkita na kami kanina, and uhhmm.. Napagkasunduan naming friends na lang kami."

                *cough cough* napaubo ako sa sinabi ni Red. Tama ba narinig ko? Friends na lang sila? Eh parang kagabi lang yung pag-amin ko sa kanya tas ngayon friends na lang sila?

                Binuksan ko yung bibig ko para magsalita pero sinarado ko ulit kasi hindi ko alam sasabihin ko. Masyado akong speechless sa mga narinig ko.

                After 1 minute na ko nakapagsalita, "Pero kahit na. Ibigay mo yung sa kanya. Hindi naman para sakin yung mga binili mo. Ibigay mo yun"

                "Okay okay. Sungit mo naman. Eto pala, galing ako sa kanila diba, may dala akong tiramisu luto niya, pinabibigay niya sayo.", sabay abot nung paperbag sakin.

Diary ng Tababoy.Where stories live. Discover now