Chapter 20

390 11 0
                                    

Laking gulat ko talaga nung nakita ko si Arick sa harap ko, “Arick, Ok ka na ba? Bat ka naparito?”

                “Ok na ko. Uhh. Uhmm gusto ko lang sana magsorry. Sorry sa inasal ko kaninang madaling araw, alam mo na medyo nakinom ng konti sa bar kaya sorry kasi ang kulit ko.”

                “Huh? Hindi hindi. Ako nga dapat magsorry dahil sa ginawa sayo ni Red eh. Tara. Tara pasok ka.”

Dumiretso kami sa sala. Ewan ko ba pero parang hindi mapakali si Arick. Tinignan ko naman siya at napansin ko yung pumutok niyang labi. Tsk tsk.

                “May gagawin ka ba ngayon. Tara jogging tayo.”

                Kahit wala akong iniinom eh nasamid ako sa sinabi niya. Ano daw jogging? Hala. Anu na namang naisipan nito at nagyayang magjogging.

                “Para naman hindi ka laging gym ng gym. Tsaka mabuti din yung jogging para sayo. Nakakapayat kagad. Ano tara!”

                Tumayo siya tas hinila niya ko (ng maayos) “Tara na, bihis ka na dali.”

                Kaso imbes na umakyat ako sa kwarto para magbihis, napatingin ako sa kamay ko…. Na hawak niya. Nanlaki mga mata ako napalunok. Mygad. Ano ba tong nararamdaman ko. Bat parang hinika ako? Eh wala naman akong hika. Nagkatinginan kami…….

                “Ehe eheemm..”, biglng sumulpot sa harap namin si kuya..

                OKAY! AWKWARD!!!!!

                Inalis ko yung kamay niya, “Kuya.. *hingang malalim* Ahh. Si ano. Si Arick nga pala, friend ko and trainer ko sa gym. Arick, Kuya ko.”

                Grabe.

                “Denver”, sabi ni Kuya habang nakipagshake hands kay Arick. Napatingin si Kuya sakin. At alam ko yung tingin na yun. Tinging nakakaloko ni kuya. Hay nako. May kailangan ata ako i-explain sa kanya mamaya.

                “Alis muna ko kuya. Magjogging daw kami ng trainer ko eh”

                “Ja.. Jogging?, gulat na gulat siya. “Kelan ka pa sinipag magjogging?”

                “Ngayon lang. Kasama ko naman si Arick eh. Gusto mo sumama ka na din!”

                “Huh? Hindi hindi. Sige kayo na lang.”

                “Okay. Wait Arick, bihis lang ako. Usap muna kayo dyan ni kuya, wag ka matakot diyan hindi naman yan nangangagat eh.”, natawa si Arick

-              -

“Woooh!”, napayuko ako at napahawak sa tuhod ko. Nakakapagod. Tapos medyo ang bilis pa tumakbo ni Arick. Binibilisan ko din tuloy para hindi ako maiwan.

                “Kaya mo pa?”, napatingala ako sa kanya.

O M G! Ang hot niya pala pag pinagpapawisan. Kanina kasi nagpalit siya ng sando nung nagjogging kami. Kanina parang wala lang pero ngayon, bat parang nag-iba. Sumexy siyang tignan.

                “Oo naman noh.”, sabi ko.

                Pinunas niya yung dala niya towel sa mukha niya. Grabe naman kasi yung pawis niya, OA kung tumulo. Pinagmamasdan ko siya na nagpupunas ng mukha niya habang nakapikit siya. Parang nagslow-mo nga yung panunuod ko sa kanya.

Diary ng Tababoy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon