Chapter 17

477 15 0
                                    

♪ ~ I don't mind spendin' everyday 

Out on your corner in the pourin' rain ~ 

Ang gwapo talaga ni Arick. Plus pogi points pa yung marunong siya kumanta.

♪ ~  Look for the girl with the broken smile

Ask her if she wants to stay awhile ~ 

Haaayy. Mala-anghel yung boses niya. Ok lang kahit forever ko siyang pinapanuod ng ganito.

Bumaba siya sa stage at naglakad papunta sakin.

Nagbe-blur yung mga tao sa paligid ko. Siya lang yung nakikita ko. Nakakatawa man aminin pero nakakakilig talaga siya.

♪ ~ And she will be loved, and she will be looooved. ~ 

Papalapit na siya sakin.

Ayan na....

Lumalapit na din yung mukha niya sa mukha ko.

O___O

Ang ganda ng lips niya. Red lips and parang kissable....

Magkalapit na yung mga mukha namin hanggang sa.....

                "ARAY!!!", nagising ako sa pagpitik ni Arick sa noo ko na naman.

                "Nandito na tayo! Grabe ka matulog. Humihilik ka pa ah!!"

                Hala? Nananaginip pala ko.

                Yuck!!! Naalala ko bigla yung panaginip ko. Hindi ako makapaniwalang si Arick iki...ikikis- aaahhh! Ayoko ng isipin.

                "Cheh! Humihilik ka dyan! Hindi no, never!"

                "Oo kaya. Ano yun sa radyo ganun, hilik mo yun! Hahahahahaha yaan mo secret lang naman natin ;)"

                "Hmp. Ewan ko sayo!", binuksan ko na yung pintuan at hinanap na sa bulsa ko yung susi ng gate namin.

                Pagbukas ko ng gate, eh nagulat naman akong nauna pa si Arick pumasok samin. Aba! Kabastusan talaga nitong lalaking to.

                "Hoy!", hinila ko siya palabas.

                "Aw. Ano ba?", aba siya pa galit ah!!

                "Bahay mo, bahay mo? At sinong nagsabing pumasok ka sa bahay namin hah?", hatinggabi na kaya. Siguradong papagalitan ako ni daddy pag nalaman niyang may bwisitang tulad ni Arick ngayong dis oras ng gabi noh.

                "Bawal?"

                "FYI hindi lang bawal noh. Kasalanan na pumasok ka sa bahay namin! Ano ka sineswerte?"

                "Oo. Hahahaha tsaka nakapunta na naman ako dati sa inyo ah!"

                "Kahit na. Mag-2:00 na kaya. Bawal na noh!"

                "Bawal ka dyan. (Tumingin siya sa relo niya) 2:24 na nga eh. Kaya excuse me :)", hinawakan niya ang ulo ko at ginulo yung buhok at ayun pumasok ulit siya. Grrr napakakulit talaga nitong lalaking to.

                Hinabol ko siya pero laking gulat ko ng nakita kong lumabas si Red s bahay namin.

                "Ching!"

Diary ng Tababoy.Where stories live. Discover now