Chapter 21

402 14 2
                                    

Hello Readers! I'm back! Sorry kung ang tagal ko lagi mag-update. OJT kasi eh, sorry! 

Wag sana kayo maguluhan sa chapter na to ah! 3 POVs kasi to, sorry kung nakakalito :(

And presenting JUNG IL WOO as Denver, Denisse's kuya! (nasa right----->)

IKR! Pogi no? Hihi :>

Happy Reading!!! 

| Red’s POV |

Ding-dong

                Lumabas ako para tignan kung sino yung tao.. Pero pagsilip ko wala naman. Lumingon-lingon pa ko sa paligid pero wala naming dumaan.

                “Pft. Mga nantitrip na naman”, pabulong kong sabi.

                Pagyuko ko napansin kong parang may puti akong natatapakan. Inalis ko yung paa ko at may nakita akong picture.

                Picture ni mommy and daddy.

                Kinuha ko at pumasok na sa loob.

                Habang hawak ko yung picture, taking-taka ako kung san o kanino galing ‘tong pic na to, at bakit nasa labas…. Hmmmm?

                Pinagmamasdan ko at parang 10 years ago or matagal pa tong pic nila. Ewan ko. Medyo bata pa sila eh. Baka na-misplaced lang ni mommy. Sa labas?

                “Red. O nak, ano yan?”

                “Ma”, umupo siya sa tabi ko at tinignan yung hawak ko.

                “Kami yan ng daddy mo ah. Bat mo tinitignan? Ano gagawin mo dyan?”

                “Wala ma. Nakita ko nga lang sa labas eh.”, kinuha niya yung picture at pinagmasdan. Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya pero nagsmile din siya after.

                “Namimiss ko siguro siya. Ako din eh. Sorry anak ah, kasi hindi mo man lang nakasama ng matagal ang daddy mo. Alam kong nahihirapan ka-“

                “Ma hindi mo kasalanan yun. Maging Masaya na lang tayo atleast kasama na niya si Papa Jesus. Tsaka Ma ikaw pa lang sapat na, hindi ako mahihirapan basta kasama kita:)”

                “Ikaw talaga manang-mana ka sa daddy mo. Napakabolero. Alam mo kahit kinuha siya agad satin, ang dami-dami naming pinagdaanan. Muntik na nga kami mag-give up eh pero habang nakikitang ka naming lumaki, nawawala yun dahil mahal na mahal ka namin. At alam kong proud na proud sayo ang daddy mo ngayon.”

                “Dahil sa inyo po kayak o ganito ma. Para sa inyo ni daddy.” Niyakap ko siya. Cheesy mang tignan pero mama’s boy talaga ako eh at proud ako sabihin yun.

| Denisse’s |

*kuha ng toothbrush, lagyan ng toothpaste.*

Brush brush brush.

                Pft. Boring. Nakakatamd naman tignan yung mukha ko sa salamin habang nagtu-toothbrush. Lumabas ako ng CR at namasyal sa bahay namin habang nagtu-toothbrush.

                Siguro pag nandito si Arick, sasabihin niya alam mo ikaw ang baboy mo talaga bumalik ka nga sa cr. Hay nakakarindi yung boses nun eh, maksigaw naman kasi parang wala ng bukas.

Diary ng Tababoy.Where stories live. Discover now