Chapter Eleven

5 0 0
                                    

Chapter Eleven

"SO Khiane, how was your day?"

Lumipad ang paningin ni Jane sa babaeng kaharap ni Khiane. It was Hanna. She flashed that flirty smile of hers.

Nasa isang sikat na bakeshop dapat sila nang mga oras na iyon. But her cousin suddenly changed her mind at niyaya nito ang binata sa bar and restaurant na iyon. Tutal gabi na silang nakalabas sa opisina, they agreed to have dinner.

She saw Khiane smiled at Hanna. Napaangat ang isang kilay niya at napaismid. Kung hindi niya lang isinasaksak sa kukote na ito ang plano ng binata, minulto na niya ng tuluyan ang pinsang ito.

"Great, of course. Ikaw? How was your day?"

Dinampot ni Hanna ang kopita ng wine nito at sumimsim doon habang hindi inaalis ang paningin kay Khiane.

"Actually, hindi maganda ang araw ko." Lumamlam ang itsura nito. Tumingin ito sa nilalaro-larong alak sa kopita.

"Why? Is there any problem?"

Umiling ito. "Nothing. Office problem."

Binalingan niya si Khiane. "Itanong mo sa kanya kung ano ang mood ni Tita Mickey buong mgahapon."

Tinapunan muna siya nito ng paningin bago muling ibaling sa babae ang pansin.

"Why? I mean... you looked harrassed. Pinahirapan ka ba ng mommy mo? Nakita ko kasi kanina na parang mainit ang ulo niya."

"Damn, right! Maghapong mainit ang ulo niya at lahat ng mga executive ay pinag-iinitan. She's being irrational nowadays."

"Bakit siya nagagalit?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know."

"Ask her where my dad is," utos niyang muli sa binata.

"Okay. But where is Big Boss Lee? Hindi ba't siya dapat ang namamahala ngayon sa company?"

"Yeah. But he's not here. Hindi pa siya nakakabalik galing Europe."

"Business, I think?" ani Khiane sabay subo ng steak nito.

"Nope... By the way, you haven't seen my uncle yet, right?"

Napalingon sa kanya si Khiane. Siya man ay kinabahan. Nakakahalata ba si Hanna na kumukuha sila ng impormasyon dito?

"Tell her you want to meet my dad personally. Being a business tycoon himself, it's a great pleasure to meet him."

He said what she dictated.

Napatangu-tango lang si Hanna. Binalikan nito ang pagkain.

"Baka kapag nakaharap mo siya, hindi ka na makapagsalita," anito.

She can't blame her. Lahat ay takot sa daddy niya. Including her. He was a dominant tyrant and sometimes cruel. He had his way of making people around him nervous and intimidated by just staring them.

Bahagyang natawa si Khiane. Mukhang hindi sineryoso ang sinabi ng babae. "How could you say that? Hindi naman siguro halimaw ang daddy ni--- I mean, si Big Boss Lee."

Pinandilatan niya ito. Mabuti na lang at hindi napansin ni Hanna ang pagkakadulas nito.

Tumawa rin si Hanna. "Believe me, he's more than a monster."

"Tanungin mo siya tungkol sa akin," agaw niya sa pansin ni Khiane.

Ipinatong ni Khiane ang mga siko sa mesa at nangalumbaba. He smiled that charming smile of his.

Paglingon niya kay Hanna ay nakatulala lang ito sa binata. Naisip niya tuloy na baka kalahi ni Hypnotoid itong si Khiane. Every women around him seemed to get hypnotized by his sensous stares.

At bakit tila naiinis siya sa ginagawa nito'ng iyon?

"There's one thing I got curious about the company. Rather, a person," he said casually.

"Then, who is it?"

"Jane. Boss Jane."

Tiningnan niyang mabuti ang reaksyon ni Hanna. But she just smile.

"Mukhang marami kang narinig sa company. Hindi na ako magtataka. Everyone is talking about her these past few days. I mean her ghost." Tumawa ito. Pagkuwa'y sumeryoso. "Jane is my cousin. She is the former CEO of the company."

"Former?"

"Yeah. After the accident two weeks ago. Hindi na niya makakaya pang pamahalaan ang company. So my uncle, her dad, made my mother in charge habang hindi pa siya nakakabalik sa Pilipinas."

"Ano'ng ginagawa ni daddy sa Europe? And where is my body?" tanong niya pinsan. Pero hindi naman siya nito narinig.

"If it's not a business, ano naman ang ginagawa ni Big Boss Lee sa Europe?" parang walang interes na sabi ni Khiane.

Pero katulad niya, alam niyang all ears ito sa isasagot ng pinsan.

"He's looking for someone."

"Someone?" Napakunot ang noo niya.

But Khiane did not go any further.

"Ahh... Nasaan naman si Boss Jane? Is she dead?"

Pigil ang hiningang hinintay niya ang sagot nito.

But before she could say a word, binulabog na sila ng pagri-ring ng cellphone nito. She grabbed her cellphone immediately.

"Excuse me, it's my Tita Norhata."

Nagkatinginan na lang sila ni Khiane. Parehong may panghihinayang sa mga mukha.

"I'm sorry, Khine. But I gotta go," ani Hanna nang bumaling ito sa binata. Dinampot nito ang purse at tumayo. "May emergency sa bahay." Akmang dudukot ito ng pera pero pinigil ito ni Khiane.

"Ako na ang magbabayad."

"I'm really sorry, Khiane. Maybe, we should set another date?"

'Date?' Napaangat ang kilay niya.

"It's fine. Next time na lang ulit tayo magbonding."

Parang gusto niyang hilahin ang buhok ni Hanna nang halikan nito sa pisngi si Khiane.

"Bye. See you."

Tumango ang binata. "See you."

"Bye. See you!" ginaya niya ang pagkakasabi ni Hanna pagkatapos ay umismid. Nakita niyang nakamata lang si Khiane sa kanya. There was a glint of amusement on his eyes. "Another date, huh?"

Bahagya ito'ng natawa na ikinaasar niyang lalo. May iba'ng sinasabi ang mga mata nito. And she's too indenial para pagtuunan iyon ng pansin.

Nang hindi makatiis ay tumindig na siya.

"Where are you going?"

"I'll follow Hanna." Iyon lang at iniwan na niya ito doon.

Hindi niya alam kung bakit siya naiinis ngayon. Dahil ba kakaunti ang nakuha nilang impormasyon kay Hanna? O dahil sa mga ngiting ibinigay dito ni Khiane? She thinks both. Pero mas matimbang ang huli.

Then a realization struck her. Ang sinasabi ng mga mata nito kanina at ang siyang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Kunot-noong napatigil siya sa paglakad.

'Gosh! Am I jealous?'

Hindi na niya nasagot ang katanungang iyon nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Khiane. Hindi nawawala ang ngiti at kislap ng mga mata nitong iyon. Para ba'ng nanunudyo na ewan.

Napasimangot siya. "Why are you staring me like that?"

"What's wrong?"

"It's annoying. Kaya itigil mo na ang kakatingin ng ganyan. Baka gusto mo'ng dukutin ko 'yang mata mo?" Ofcoarse she won't do that. Masyadong maganda ang mga mata nito at nakakapanghinayang dukutin.

He just chuckled.

She rolled her eyes at lumagos sa katawan nito. Nagpauna na siya sa kotse nito. Lumagos siya papasok sa pasenger's seat.

Ilang sandali lang at nakaupo na rin ito sa driver's seat.

"So, saan ang punta natin, Boss Jane?"

My DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon