Chapter Eight

8 0 0
                                    

Chapter Eight

HINDI na nakapagpaalam ng maayos si Khiane sa nurse na kilig na kilig na ngayon sa mga boladas niya. Ang balak niya sana ay makipagkaibigan muna dito bago niya tanungin ng mga gusto niyang malaman. Ang kaso ay bigla namang tumakbo si Jane palabas ng ospital. May isinisigaw itong pangalan.

"Tita Ren!" Nakatingin ito sa babaeng kasasakay ng kotse nito. Hinarap siya nito. "Sundan natin siya, Khiane!"

"What? I mean, what for? Hindi ba't narito tayo para alamin kung dinala dito ang katawan mo?"

Pero mukhang hindi siya nito pinapakinggan. "Basta! Tara na!" Nagtatakbo itong muli palapit sa kotse niya.

Wala na siyang nagawa kundi ang mapasunod.

"Sino ba iyon?" tukoy niya sa babaeng sinusundan nila sa kahabaan ng kalsada.

"Siya ang ninang ko bukod sa kapatid pa siya ni Mommy. Mabait siya at baka matulungan niya tayo," anito na kandahaba ang leeg sa pagtanaw sa kotseng kinalululanan ng babae.

Hindi na lang siya umimik. Sa likod ng isipan niya ay may katanungan. Ano ang ginagawa ng babae sa ospital? May dinalaw ba ito doon?

"Saan siya papunta?" maang na tanong ni Jane.

Lumiko kasi sa isang compound ang kotseng sinasakyan nito. Kung hindi siya nagkakamali ay marami doong clubhouse at naroon din ang isang malaki at kilalang casino. Pumasok ang kotse sa isang clubhouse.

Napakunot-noo siya. Ano'ng gagawin ng babae doon? Inihinto niya ang kotse sa tabi ng kalsada.

"Pumasok tayo," anang katabi.

"Hindi pwede. Private ang clubhouse na iyan. Hindi tayo papapasukin kung wala tayong pass."

"Pero..."

"Ang mabuti pa ay bumalik na lang tayo sa ospital. Baka doon tayo makakita ng lead para matagpuan ang katawan mo."

Hindi pa rin kumbinsidong nakatingin ito ng mataman sa clubhouse. Nakakunot din ang noo.

"Jane..."

Napabuntong-hininga ito. "Okay."

**********

"LALO ako'ng naguguluhan sa lahat," hindi mapigilang bulalas niya.

Kagagaling nila noon sa St. James Hopital. Binalikan nila ang babaeng binobola ni Khiane a while ago. Natanong ito ng binata tungkol sa kanya. Umamin ito na dinala siya doon dalawang linggo na ang nakakaraan. Pero katulad ng mga napagtanungan ni Khiane sa opisina, hindi rin nito alam kung saang ospital inilipat ang katawan niya o kung patay na nga ba siya.

"We will soon solve this, Jane. At least may nalalaman tayo kahit paano."

"But we're not improving!"

"Nagsisimula pa lang tayo. Marami pa'ng araw na darating." Nilinga siya nito. "Maaga pa, dumaan muna tayo sa department store."

"Ano'ng gagawin natin doon?"

"Bibili ako'ng film at photopaper."

Pumayag na lang siya kesa mabaliw siya kakaisip sa lahat. Saka na muna niya pag-iisipan kung bakit pumunta sa clubhouse ang Tita Ren niya. At, most especially, kung nasaan ang katawan niya.

"Gusto mo'ng mamasyal muna?" pasimpleng tanong nito habang nakatingin sa mga photopaper sa harapan nito. Sumulyap pa ito sa kanya. "Irelax mo muna ang utak mo para makapag-isip ka ng matino."

Saglit siyang nag-isip. "Sure ka?"

"Yup."

"Kung okay lang sa'yo na mapag-isipan na gwapong nababaliw dahil kinakausap ang sarili, then it's fine with me. Pasyal muna tayo."

My DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon