Chapter Nine

11 0 0
                                    

Chapter Nine

"ANO'NG ginagawa mo?"

Nang mag-angat ng tingin si Jane ay ang nakakunot ang noo ni Khiane ang bumungad sa kanya. Nakapameywang pa ito habang nakatingin sa kanya.

Kalalabas lang ng binata sa kwarto nito. Nakahanda na ito para pumasok. Hindi tulad ng nakaraang araw, hindi niya ito binulabog sa pagtulog. Masyado kasi siyang abala ngayon.

"Nagco-concentrate," tipid na sagot niya. Ibinalik niya ang tingin sa remote na nasa harapan. Sinubukan niya muling hawakan iyon.

May isang kaibigan kasi noon na nagsabi sa kanya na sa pagdaan ng mga araw ay maaaring makahawak ng mga bagay ang multo. Kaya iyon ang inaasikaso niya mula pa kagabi.

Umupo naman si Khiane sa tabi niya at dinampot ang remote.

"Hey!"

Pinindot nito ang remote para buksan ang television. "Kung gusto mo'ng manood ng t.v., dapat sinabi mo kaagad. Hindi iyang naghihirap ka pa diyan."

"Hindi naman..."

"Ano ba'ng gusto mo'ng channel?"

"Hindi naman ako manonood, eh. Itina-try ko kung makakahawak ako ng mga bagay. Nakakabore na kasi ng wala man lang ako'ng makapa."

Tumingin ito sa kanya. "You know it's impossible."

"It's not. May nakapagsabi sa aking posible iyon." Akmang hahablutin niya dito ang remote nang ilayo nito iyon sa kanya na para bang mahahawakan nga niya.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Inilapag na nito ang remote sa mesita at nagtungo na sa kusina.

Napasimangot naman siya. Mas lalo lang siyang nachallenge para makahawak ng bagay.

Huminga siya ng malalim at muling nagconcentrate. Pero hanggang sa yayain na siya ni Khiane para pumasok sa trabaho ay hindi pa rin niya nahahawakan ang remote. Nagsisimula na tuloy siyang magduda kung totoo ang sinabi noon ng kaibigan niya.

Pinagtatawanan na nga siya ng binata dahil sa eagerness niyang makahawak ng bagay.

"Kapag nagawa kong makahawak ng kahit ano, ibabato ko sa'yo ang unang mahahawakan ko. Swear," nakairap na sabi niya dito habang nasa kotse sila. Humalukipkip pa siya.

Tumawa ito. "Sure. Go ahead and make my day."

"I mean it."

"Sabi mo nga, di ba?"

"Nakakainis ka," nanunulis ang ngusong sabi niya.

Lalo itong natawa. "Para ka'ng bata."

"Bata pa naman ako, ah. I'm just twenty-six."

"You're already twenty-six, babe."

"Yeah, right."

Masarap man sa pandinig ang ginamit nitong endearment sa kanya, naiinis pa rin siya dahil pinagtatawanan siya nito. Mukhang ganado itong asarin siya ngayong umaga.

Hindi niya na lang ito inimik hanggang sa makarating sila sa kumpanya. Nang mai-park nito ang kotse ay agad na siyang lumabas.

"Hey, Jane!"

Hindi niya ito pinansin. Nagpauna na siya papasok sa kumpanya.

Sumunod na lang ito sa kanya. Hindi na rin nagsalita dahil may mga kasabay na silang empleyado.

"Hi, Khiane!"

Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na matinis na tinig na iyon. Nakita niyang kausap na nito ang binata.

My DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon