Chapter Five

5 0 0
                                    

Chapter Five

"I MISSED walking around here!" tuwang sabi ni Jane habang naglalakad sila sa lobby ng Lee Group of Companies building. Nagpapaikut-ikot pa ito.

Nangingiting napailing na lang siya. "Para kang bata," hindi mapigilang bulong niya dito.

Kung may ibang makakakita dito ay aakalaing nawawala na sa sarili ang dalaga. Pero nakakatuwa itong panoorin. Kaya nga heto at nakangiti siya habang naglalakad. Baka nga siya pa ang mapagkamalang nawawala sa sariling hwisyo, eh.

Kagabi lang ay napatunayan niyang multo nga ito. Bukod sa paglagos ng kamay nito sa kamay niya, napakaraming nagpapatunay na totoo ang sinabi nito tungkol sa sarili. Nakita kung paano ito lumagos sa mga pader, sa kotse, at kung saan-saan pa. Sinong tao ang makakagawa ng ganoon? Wala kundi isang multo na siya lamang ang nakakakita.

Wala siyang magawa kundi tanggapin ang lahat.

Gusto niyang isipin na napakamalas naman niya at siya pa ang natyempuhan ng multong ito. Pero hindi niya magawa dahil sadyang magaan ang loob niya dito. Besides, saan ka makakakita ng multo na kasing ganda nito? Galing sa aksidente pero walang kahit ano mang bahid ng sugat o dugo sa makinis nitong mukha. Bukod pa doon ay nagugustuhan niya ang mabangong amoy nito.

"Very good ang morning natin, ah!" tapik sa balikat niya ng kung sino na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Napatingin siya dito. "O, Drigz."

Sumabay ito sa kanya sa elevator. Sa fifth floor lang ito. Isa ito sa mga editorial staff ng advertising corp. kaya medyo may pagkatsismoso.

"Ano, naidate ka na ba ni Ma'am Hanna?" biro nito.

Tumawa lang siya. Hindi siya makasagot dahil hindi lang sila ang nasa elevator. Baka may bago na namang pagtsismisan sa kumpanya kapag nagkamali siya ng sagot.

"Hanna? Si Hanna ba na pinsan ko?" narinig niyang sabi ng katabing si Jane.

Hindi niya naman ito pinansin.

"Khiane!" Iwinagayway nito sa harapan niya ang palad.

Hindi niya pa rin pinansin ang dalaga.

"Pinopormahan mo ba si Hanna?" patuloy na pangungulit nito. "May boyfriend na iyon, ah."

"I am not. Manahimik ka na nga lang diyan," hindi napigilang sagot niya.

"Ha? May sinasabi ka, dude?" agaw ni Drigz sa pansin niya.

"Ah, wala, dude. Kumakanta lang ako."

"Ahh..." mukha namang naniwala ito sa alibi niya.

Ipinagpasalamat na lang niya at nanahimik na si Jane. Pero mukhang napakalalim naman ng iniisip nito.

"Alam mo, dude," bulong sa kanya ni Drigz. "Nangingilabot ako ngayon. May naaamoy akong pamilyar na pabango."

Nangunot ang noo niya. "Ha?"

Magsasalita sana ito subalit bumukas na ang elevator at nasa fifth floor na sila.

"Sige, mamaya na lang." Tinapik nito ang balikat niya at lumabas na.

Naiwan siyang nag-iisip. Ang amoy ba ni Jane ang tinutukoy nito? Pati ba ang mga kasabay niya sa elevator ay naamoy ang mabangong amoy ng dalaga? Siguro. Hindi nga nakikita ng mga ito ang multo pero nararamdaman naman ng mga ito. It's differently cold in there. Nakakapangilabot. Kung hindi niya lang alam na may multo nga silang kasabay doon ay pinanayuan na siya ng balahibo. Marahil ay hindi na lang umiimik ang mga kasabay niya doon.

Ilang saglit pa at nakarating na sila sa eight floor. Konti pa lang ang naabutan niyang empleyado roon. Masyado pa kasing maaga para sa office hours. Dumeretso siya sa cubicle niya.

My DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon