Chapter 14 : Pausta

32.5K 2.1K 1.3K
                                    


14

Pausta

Gracie



Wala akong magawa kundi mapaiyak na lamang at mapahiyaw dahil sa labis na panlulumo sa nadatnan nang bumalik ako sa loob ng bar.


Kitang-kita ko mismo si Star. Walang kalaban-laban habang nakasandal sa dingding habang hawak-hawak ni Dondy ang kanyang leeg.


"Dondy! Dondy tama na!" Nagtatakbo ako patungo kay Dondy. Marahas kong hinawakan ang malamig niyang braso. Pilit ko siyang pinapabitaw sa leeg ni Star ngunit sadyang napakalakas niya, ni hindi ko magawang maigalaw man lang ng kaunti ang kanyang braso.


"T-takbo... " Hindi na halos makapagsalita ang luhaang si Star, ni hindi na siya makahinga ng maayos at labis na ang pamumula ng kanyang mukha.


"Hindi!" Lalo pa akong napatili nang bigla na lamang ipinasok ni Dondy ang malaki at naaagnas niyang kamay sa bibig ni Star. Impit na napapasigaw si Star at lalo naman akong napapahiyaw.


Bigla na lamang may humigit sa akin palayo kay Dondy at nang mapalingon ako ay laking gulat ko nang makita ito pala ay si Trina.


"Gracie tara na!" Paulit-ulit niyang sambit habang hinihila ako palayo.


"No! W-we can't leave star! We cant—" Nauwi sa tili ang lahat ng mga sigaw ko nang mapalingon akong muli sa direksyon ni Star. Para akong tinakasan ng kamalayan nang bigla na lamang hinugot ni Dondy ang dila ni Star na tila ba isang bagay na medaling mapunit. Agad na bumulwak ang napakaraming dugo mula sa bibig ni Star kasabay ng pagsubo ni Dondy sa naputol nitong dila.


Tila ba tuluyan akong tinakasan ng lakas at naramdaman ko na lamang na kinakaladkad na ako ni Trina palayo. Muli, napasigaw lamang ako nang napasigaw nang bigla na lamang ikinuyom ni Dondy ang kanyang kamao at sinuntok ang mukha ni Star dahilan para magtalsikan ang napakaraming dugo. Nang inilayo ni Dondy ang kanyang kamao ay kitang-kita kong basag na ang ulo ni Star at may napakalaki ng butas sa kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang buong katawan kasabay ng pagtagaktak ng kanyang utak at laman sa sahig.


Bigla akong nakaramdam ng panghihina at kasabay nito ang panlalabo ng paningin ko. Napakaingay ng paligid, maraming nagtatakbuhan, maraming nagtutulakan makaalis lang sa bar. Nararamdaman kong may kumakaladkad sakin hanggang sa bigla kong makita si Lyon sa sahig—duguan at walang malay.


****


Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay bigla kong naaninag ang mukha ni Trina sa harapan ko kaya naman unti-unti kong kinurapkurap ang mga mata ko.


Tinulungan ako ni Trina na maupo at saka niya ako pinainom ng tubig.


Nang mahimasmasan ay unti-unti kong nilibot ang paningin ko at laking pagtataka ko nang mapagtantong nasa isa na kaming rooftop. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil ito ang unang beses na magpunta ako dito. Napakadilim ng kalangitan, walang kabitui-bituin at sing-lamig ng sa disyembre ang ihip ng hangin.

Here comes DondyWhere stories live. Discover now