Chapter 5 : The old flame

44.6K 2.5K 943
                                    



5

THE OLD FLAME

GRACIE


"Kita mo na, miss? Walang humahabol sa'yo." Giit ng guwardya habang pinapanood namin ang CCTV feed na nagpapakita sa'kin habang kumakaripas ng takbo. Gusto kong matuwa dahil wala akong nakikitang Dondy na humahabol sakin pero hindi ko rin maalis na mag-alala para sa katinuan ko, at sa maliit na posibilidad na baka totoo paring nakita ko si Dondy kagabi.


"B-but the car, there was a car." Kahit na nagmukha na akong tanga sa harapan nila, gusto ko paring makita ang mga kasunod na footage.


"Miss, hindi naman kaya guni-guni mo lang 'yon? Minsan mapaglaro ang isip lalo na sa dilim." Sabi naman ng isa pang guwardya pero imbes na makipagtalo, itinuon kong muli ang atensyon sa CCTV footage tutal pinapaandar na nila ito sa harapan namin.


Nakakakilabot panoorin ang sarili ko habang tumatakbo. Oo nga't wala kaming makitang Dondy sa footage pero sariwang-sariwa pa sa isip ko ang kahindik-hindik niyang hitsura habang hinahabol ako.


"Parang dito na yun, masasagasaan na ako." Sambit ko kaya nagsilapit muli ang mga gwardya sa monitor upang mas malinaw itong mapanood.


Sa isang iglap bigla na lamang naglaho ang pinapanood namin—the footage suddenly turned static. Lalo pa akong kinilabutan nang mapagtantong gumagana naman ang iba pang monitor at yung nagpapakita lang sa'kin ang huminto.


"Teka, kaka-check lang ng technician sa mga CCTV units last week. Fast forward mo nga." Naguguluhang sambit ng isa sa mga guwardya at agad naman itong sinunod ng kanyang kasama.


"You have got to be kidding me." Napasinghap na lamang ako sa gulat nang muling umayos ang footage at sa pagkakataong ito'y nakikita ko na ang sarili ko habang tinutulungan ako ng mga pulis na makatayo mula sa sahig.


***


"Are you sure you're okay?" Tanong sakin ni Misha nang mapagpasyahan kong manatili nalang muna sa apartment namin imbes na pumasok sa review center.


"I'll be. I just need to get some rest." Nahiga na lamang akong muli sa kama at niyakap ang kumot ko. Naguguluhan parin ako sa nangyari, oo nga't baka guni-guni ko lang talaga 'yon pero hanggang ngayoy natatakot parin ako. Everything felt so real... Dondy felt real.


"Ano ba talagang nangyari sa'yo kanina? Na-hold up ka no?" Usisa pa ni Misha at naupo sa paanan ng kama ko.


"How's your writing process going?" Pag-iiba ko na lamang ng usapan. I'm sure Misha would take the hint na ayaw kong pag-usapan ang nangyari sa'kin kanina.


Ngumiti si Misha at tumango-tango, "My writing's going well. I finally came up with a protagonist, I think I'm going to name him Jury. Either way, I can't keep Dondy off my mind. Pakiramdam ko nga nakita ko siya kaninang nakasilip diyan sa bintana, sinisilip ka."


"What the fuck?!" Otomatiko akong napasigaw at napabalikwas mula sa kinahihigaan. Muling bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at dali-daling ibinaling ang tingin ko sa bintana.

Here comes DondyWhere stories live. Discover now