Chapter 6 : Can you see him?

47.5K 2.4K 2.2K
                                    



6

CAN YOU SEE HIM?

GRACIE


Sa sobrang taranta, ni hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Misha o mag-empake man lang. Dali-dali akong sumakay sa kotse ni Lyon upang bumalik sa Quilton Ridge na siyang lugar kung saan kami lumaki at nagkakilala.


Hindi ko mapirmi sa iisang paksa ang pag-iisip ko. Napakaraming naglalaro sa isipan ko. Gusto kong malaman kung okay lang ba si Dale, kung nasaan siya o nakakakain ba siya ng maayos—gustong-gusto kong makita at mayakap ulit ang kakambal ko.


Halos isang oras rin akong nakatitig sa numero ni Mommy sa cellphone ko. Naguguluhan ako, sasabihin ko ba sa kanyang nawawala si Dale o hindi? Kasi kung si Dale ang nasa posisyon ko, mas iisipin niya ang kapakanan ni Mommy at hindi niya ito sasabihin.


"Gracie, you have to stay calm." Sabi ni Lyon habang deretso lamang ang tingin sa kalsadang dinadaanan namin.


"I am calm." Giit ko agad gamit ang boses kong manginig-nginig na.


"Kanina mo pa kinakagat ang mga kuko sa kamay mo." Katwiran niya at tama nga siya. Ngayon ko lang napansin na ang kuko ko na naman pala ang nginangatngat ko kaya ibinaba ko na lamang ito at ibinaling ang atensyon kay Lyon.


"Nawawala ang kakambal ko pero hindi mo man lang sinabi ng mas maaga! How could you wait for two days just to tell me?!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw. Now, I'm no longer calm.


"I'm sorry," Aniya ngunit hindi man lamang niya magawang tumingin sakin. Gaya ko, lubos rin siyang balisa.


"Just shut up and drive faster," Sabi ko na lamang.


****


It usually takes 3 hours to reach Quilton Ridge from my review center, but it only took us 2 hours just to get there with how fast Lyon has been driving. And in those hours my hands never stopped trembling and all my heart wanted was to see my brother.


"Stop the car, I'll look for him downtown and you should contact all your common friends. They could've seen my brother—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang muling magsalita si Lyon.


"Ginagawa na namin ang lahat para mahanap si Dale. Kinontact na narin namin ang lahat ng mga kakilala namin pero wala kaming nakuhang lead sa paghahanap kay Dale." Kalmado man ang pananalita ni Lyon, sumiklab parin ang galit ko.


"My brother is not here so you're not doing enough! Now stop the car and let me look for my brother!" Giit ko kaya naman hininto ni Lyon ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang akmang bubuksan ko na sana ang pinto, nagulat ako nang bigla itong ini-lock ni Lyon.


"Open the goddamn door!" Sigaw ko habang pilit na hinihila ang siradura ng pinto sa pag-asang mawawasak ko ito upang bumukas.


"Gracie, I need you to listen to me!" Maotoridad niyang sambit kaya sarkastiko akong napangisi.

Here comes DondyWhere stories live. Discover now