Chapter 11 : The Puppet Master

40.6K 2.1K 1.4K
                                    


Note: Sabi ko sa April 1 ko pa 'to ipo-post kaso wala eh, di na naman kami nagkasundo ng utak ko hahaha Anyways, sorry for the late update and enjoy reading :)



11

The Puppet Master

Gracie


Gulong-gulo man sa mga narinig at napagtanto. Nangibabaw sa isip ko ang salitang binitawan ni Richie.


"S-sinagasaan si Dale?" pagdidiin ko dahilan para mapaiwas si Richie ng tingin sa akin. Ilang sandaling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa unti-unti siyang tumango.


"Ayon sa nurse na nakausap ko, ang mga injury na tinamo ni Dale ay kaparehas sa mga karaniwang biktima ng Hit and run. Alam kong masamang mambintang pero malakas ang kutob kong hindi aksidente ang nangyari kay Dale." Sabi pa niya.


Hindi ko mapigilang umiling. Nagkakamali si Richie, hindi totoo ang sinasabi niya. "Sino ba namang walang puso ang gagawa nito sa kapatid ko? Napakabait ng kapatid ko, walang gagawa nito sa kanya." Hindi ko mapigilang bumulalas.


"Napakabuti man ng isang tao, walang pinipili ang mga masasama." Giit ni Richie at muli siyang humakbang papalapit sakin, "No matter how kind you are, people will do you wrong. No matter how nice people seem, they can do wrong. Gracie sa pagkakataong 'to, wala kang dapat pagkatiwalaan maliban sa'kin."


"Gracie! RK!"


Kapwa kami napalingon at nakita namin sina Jax at Star na patungo sa direksyon namin. Kalalabas lang nila mula sa police station.


"Aalamin ko kung sino ang gumawa nito kay Dale," muling sambit ni Richie kaya naman muli rin akong napatingin sa kanya. "Sasabihin ko agad sa'yo pag may nalaman ako."


Hindi ako nakapagsalita agad. Tama si RK, hindi ako pwedeng basta-bastang magtitiwala—hindi ko rin alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan at pagkatiwalaan.


"Ihatid niyo na siya sa bahay nila. Wag niyo muna siyang iiwan," Maotoridad niyang sambit kay Jax at Star. Nagulat ako sa kinilos ni Richie, karaniwan kasi siyang immature kaya hindi siya sineseryoso ng lahat. Napatingin ako kay Star at Jax, mukhang kahit sila ay nagulat rink ay Richie.


***


"Gra, okay ka lang?" tanong sakin ni Jax habang nakasakay kaming tatlo sa taxi. Tabi-tabi kaming tatlo sa backseat, ako ang nasa gitna. We've known each other ever since we were kids pero hindi ko maiwasang mailang, pakiramdam ko kasi lahat kami ay may gustong pag-usapan pero hindi magawa. Siguro pare-pareho lang din kaming litong-lito at natatakot dahil sa nangyayari.


"I think so, how about you guys?" tanong ko na lamang pabalik.


"I'm hungry," sabi ni Jax.


"I'm hungrier," sabi naman ni Star.

Here comes DondyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt