Chapter 12 : Liars and Lies

34.5K 2K 732
                                    


12

Gracie

Liars and lies



Nakaramdam ako ng matinding hapdi kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.


Laking gulat ko nang mapagtantong nasa ospital na pala ako, nakahiga sa isang kama at kasalukuyang nilalapatan ng nurse nang paunang-lunas ang sugat ko sa noo. Sinubukan kong gumalaw ngunit napakasakit ng likod ko.


"Miss 'wag ka munang gumalaw, mukhang napalakas ang bagsak mo." Sabi ng nurse pero sa kabila nito ay pilit kong hinawakan ang noo kong ngayon ay may benda na.


"A-asan ang mga kaibigan ko? N-naaksidente kami." Bulalas ko agad.


"'Wag kang mag-alala sa mga kaibigan mo, bukol lang ang mga tinamo nila kaya idiniretso na sila sa police station para kuhanan ng statement." Kaswal niyang paliwanag.


"Sandali lang ha" Biglang paalam sakin ng nurse at dali-daling nagtungo sa kamang nasa dulo ng silid, yun pala'y bigla siyang tinawag ng doktor na naroon.


Sinamantala ko ang pagkakataon at tiniis ko ang sakit ng karayom na nakabaon sa kamay ko, hinugot ko ang IV at kaswal na naglakad palabas ng silid.


"Nurse yung babae oh!"


Nang marinig ko ito ay kumaripas na agad ako ng takbo. Sa sobrang taranta ko ay para bang nawala na ang sakit sa buong katawan ko. Abalang-abala ang mga tao sa ospital, mukhang may nangyaring aksidente at marami ang sugatan kaya halos wala nang nakapansin sa'kin.


Dali-dali kong hinubad ang jacket kong may bahid pa ng dugo at dumiretso agad ako sa fire exit kung saan walang guwardyang nagbabantay. Bago tuluyang makalayo, nahagip ng paningin ko ang dalawang pulis na para bang may hinihintay, kung hindi ako nagkakamali andito sila para kuhanan din ako ng statement.


Dali-dali kong kinapa ang cellphone na nasa bulsa ko at laking tuwa ko nang mapagtantong nasa bulsa ko parin ito. Kinuha ko ito at dali-daling tinawagan si Lyon ngunit hindi siya sumagot. Tiningnan ko kung anong oras na at napabuntong-hininga ako ng makitang alas-syete na ng gabi. Si star naman ang tinawagan ko at laking tuwa ko nang nagawa niyang sagutin ang tawag ko.


****


Nagtungo ako sa bar na paboritong tambayan namin noong college pa kami. Tahimik lamang ang gusali mula rito sa labas, katabi nito ang mga matataas rin na gusali ngunit dahil gabi na ay mukhang sarado na ang mga ito.


Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng gusali, bigla akong nakatanggap ng text message mula sa Mama ko kaya naman dali-dali ko itong binasa.


Anak, kamusta ka na diyan? Ba't di kayo nagte-text ng kuya mo? Tawagan mo ako mamaya kapag hindi ka na busy sa pagre-review. Love you, anak.


Biglang may pumatak sa screen ng cellphone ko at nakita ko ang sarili kong repleksyon—lumuluha na pala ako. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko ngunit tuloy-tuloy ang pag-patak ng luha ko.

Here comes DondyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora