Epilogo

1.3K 15 5
                                    

Alas dose ng madaling araw.

Ang buong barkada ay maingay habang papunta sa nag-iisang bahay pahingahan na kanilang nakita sa Tinagong Dagat. Habang papahinto sila ay may isang babaeng tumatakbong lumabas sa gate at agad-agad sumakay ng sasakyan. Sumipol ang mga lalaki sa kanya ngunit hindi sila nito pinansin. Maganda ito ngunit hindi nila maintindihan kung bakit ito nagmamadaling lumabas at sumulong sa ulan. Habang pababa ng sasakyan ang dalawa sa kanila ay siya namang harurot ng Mitsubishi na minamaneho ng babae papalayo na akala mo’y hinahabol ng kung anong diablo. Nanatili ang mga kasama nila sa loob habang ang dalawa ay pumasok sa gate na naiwanang bukas ng babae kanina.

Lumapit sila sa pinto upang kumatok.

Nilalamig na ang babaeng kasama ng kumakatok sa sobrang tagal nilang nasa labas. Malakas ang ulan at wala na silang makitang ibang maaaring pagpalipasan ng gabi kaya’t minabuti na nilang magbakasakali. “Babes, wala yatang tao.”

Wait lang sandali babes. Nakita mo naman may lumabas kanina. May tao yan.” Nakangiting sabi ng lalaki bago siya kumatok ulit.

“Mukhang tama ka nga babes. Wala nga talagang tao siguro.”

“Sabi ko sayo eh.”

Pabalik na sa sasakyan ang magkasintahan nang may magbukas sa kanila ng pinto. May isang lalaking nakasuot ng gray na t-shirt ang dumungaw.

“Tuloy kayo.”

Tuloy Kayo (Unang Libro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon