Kabanata V: Nakaupo sa Buhangin

1.5K 17 8
                                    

Masayang naligo ang mga babae sa dagat habang sina Chi at Matts naman ay abala sa pagpapabaga ng apoy. Tumutungga na si Matts ng alak habang nagpapaypay sa uling.

“Bilisan niyo na!” ani Mae mula sa malayo, “Ang tagal naman niyan!”

“Marian bantayan niyo yang si Mae hindi marunong lumangoy yan!” Pasigaw na ganti ni Matts.

Malakas ang hangin na umiihip sa dalampasigan, dahilan ng pagkasayang ng halos bawat palitong kanilang sisindihan, at kung bakit kaagad gininaw sina Angela at napaahon papunta sa ihawan na ngayo’y may nakasalang ng kapirasong marinated na baboy at ilang barbeque. Kumuha si Chi ng alak sa chiller at binigyan ang mga babae.

“O pwede na to oh,” sabi ni Matts habang inaabutan niya si Mae ng kakaluto lamang na barbeque.

“Ang sweet talaga ni Matts!” sabi ng kinikilig na si Dianna.

“Uy guys, walang magbabago ha,” nagsalita si Mae, “Forever tayong ganito ha.”

Tumahimik silang lahat. Batid sa boses ni Mae na namiss niya ang mga kaibigan.

“Oo Mae. Wag kang mag-alala. Bukas makalawa mahal pa rin kita.” Biglang sagot ni Matts na siyang ikinagulat ng lahat.

“Yiieee!” reaksyon nina Marian sa narinig nila, “Ang cheesy!” dagdag ni Camille.

Walang ginawa si Angela kundi ngumiti. Pagdating sa pagmamahal ay sadyang madalas na siyang walang kibo.

“Ewan ko sayo.” Irap ni Mae ng kanyang mata. Kunwari walang pakialam.

Umapir si Matts sa nag-iihaw na si Chi.

Makalipas ang ilang sandaling kuwentuhan ay may napadaang lalaking nakasuot ng gray na t-shirt. May pasan-pasang kahoy ang lalaki sa balikat. Bahagya itong ngumiti sa kanila habang inalok naman siya ni Chi ng alak. Marami silang dala kaya hindi siya nagdamot.

“Sige pre salamat.” Tanggi ng lalaki habang patuloy sa paglalakad, wari’y nahihiya.

Okay lang sige na.” Masayang pilit ni Chi.

Alangan sa una, ibinaba niya ang nakabigkis na panggatong at masayang tinanggap ang boteng nasa kamay ni Chi. Sa inasta niya ay nagmukha siyang minsan lang kung makainom. Nakangiti namang tumango ang mga babae nang mabaling ang tingin nito sa kanila. Tinaas ni Matts ang hawak niyang alak at sabay silang uminom.

“Tagasaan ka?” tanong ni Angela na siyang ikinagulat ng kanyang mga kasama. Wala sa pagkakakilala nila sa kanya ang kumausap ng hindi niya lubos na kilala.

“Diyan lang sa malapit,” nahihiyang sagot ng lalaki bago uminom ulit. “Kayo? Saan kayo rito?”

“Doon.” turo ng nguso ni Matts sa rest house sa malayo, “Nagbabakasyon lang kami rito.”

“Ah. Sabi ko na nga ba hindi kayo tagarito.”

“Saan ka dapat papunta?” Nakangiting tanong ni Angela. Medyo hindi komportable sina Camille at Marian sa kakaibang ikinikilos niya. Ngayon lang nila ito nakitang palatanong. Ang alam nila’y wala itong interes makipag-usap sa kahit sinong lalaki. Bukod sa hindi sila sanay sa ganoong kilos ni Angela, hindi rin nila type talaga ang lalaki.

“Sa bayan, ibebenta ko tong mga panggatong.”

Hindi matatawag na kaguwapuhan ang lalaki. Wala rin sa pananamit niya ang itsura ng isang party-kid, pero ito marahil ay bunga ng oras kung kailan nila siya nakita. Trabaho ang pakay ng lalaki sa patutunguhan bago siya alukin ni Chi. Masasabing pagsisibak ng panggatong ang hanapbuhay niya base sa kanyang dala. Ilang sandaling walang imik ang lahat nang biglang may sumagi sa isip ni Matts. Bumulong ito kay Chi na siya namang tumatango habang nakatingin sa lalaki.

Tuloy Kayo (Unang Libro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon