Kabanata I: Bakasyon

2.4K 22 8
                                    

Minsan sa isang taon lamang dinaratnan ng pagkakataon ang dating magkakaibigan sa kolehiyo. Bukod sa taunang reunion ng barkada, noong pagtatapos na nila ang kanilang huling pagkikita nang buo. Sa mga nakaraang pagsasama-sama, hindi nawawalan ng liban. Minsan wala ang isa. Minsan dalawa. Mangyaring naranasan na nilang kalahati ang absent. Ngayong taon, sisikapin nilang makumpleto sa napagkasunduang venue ng bakasyon na isang beach resort. Tago ang lugar at kaunti lamang ang may alam tungkol dito, ang pagkakapili nito ay sanhi ng mabusising paghahanap ni Angela ng maaaring pagbakasyunan na wala pang kahit isa sa kanila ang nakakapunta.

Si Angela ang mahilig magliwaliw sa grupo. Maganda siya pero walang boyfriend. Minsan nang nagkaroon, ngunit pagkatapos nilang maghiwalay ng kaisa-isahang lalaking nakarelasyon niya ay hindi na ulit siya nagkanobyo. Hindi siya maarte. Mahilig lang siyang mag-ayos ng sarili. Makikita siyang may lipstick sa labi kahit nasa loob lamang ng kanilang bahay. Likas na habulin ng mga lalaki, wala sa plano niya ang pagmamahal sa kasalukuyan.

“Ano na? Makakasama ka ba? It’ll be fun! Please minsan lang naman tayo magkita. Miss na miss na kita!” sabi ni Angela sa telepono.

I’ll try, pero hindi talaga ako sigurado.” mahinang tugon ni Marian.

“Hmp! Tinatamad ka lang yata eh!” sabay binabaan ni Angela ng telepono ang kaibigan.

Matapos padabog na isinuksok sa bulsa ang cellphone ay tinanong siya ni Dianna.

“O ano? Bakit? Hindi raw siya sasama?”

“Ewan ko dun! Titingnan daw niya.” banayad ang inis sa tono ni Angela.

“Ano ba yan…minsan na nga lang sa isang taon, hindi pa mapagbigyan.” malungkot na mungkahi ni Dianna.

Hindi pa man sila nakagraduate sa kursong Pharmacy ay naturingan nang may kaya ang pamilya ni Dianna. May sarili na siyang sasakyan na minamaneho niya araw-araw papuntang paaralan at siya ring nagsisilbing tagahatid ng barkada tuwing mamamasyal. Mabait siya at maunawain sa halos lahat ng pagkakataon. Kahit pa banas na banas na siya sa isang tao ay nakukuha pa rin niyang ngumiti, bagay na ikinakabahala ng lahat sapagkat sa kabila ng pagiging mabuting tao nito, hindi kahit kailanman masasabi nang may katiyakan kung galit siya o hindi.

Nanonood sina Dianna at Angela ng pelikula nang tumunog ang isa sa mga cellphone nila.

“Kanino yun?”

“Akin yata.” hinugot ni Angela ang telepono mula sa bulsa, “Akin nga.”

Agad niyang binasa ang mensahe na mula sa isang kaibigan. Nakangiti niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa habang si Dianna naman ay nagtanong, sabik sa magandang balita na kahapon pa nila hinihintay.

“Si Camille na ba yun? Or si Marian?”

“Si Camille.” sagot ni Angela kasabay ng pagplay ulit nito sa pelikulang pinapanood nila.

“O ano sabi?” tanong ni Dianna habang dumudukot ng pinaghalong Piatos at Chippy ang kamay nito sa mangkok.

“Payag na raw yung dad niyang sumama siya,” hindi inalis ni Angela ang mga mata sa screen nang siya ay sumagot, ngunit halatang masaya siya. Kagaya niya, masaya ring bumalik sa panonood si Dianna.

Si Marian na lamang ang natitirang hindi sigurado kung makakasama sa reunion nila. Sa pagkakataong ito, kapag hindi pa siya sumamaay pangalawang sunod na siyang absent sa kanilang taunang pagsasama-sama. Guaranteed nang sasama ang tatlo pa nilang kaibigang sina Mae, Chi, at Matts. Si Marian nalang talaga ang kanilang hinihintay. Hiling ng magkaibigan ay magtext na siya sa kanila bago dumating ang gabi, sapagkat bukas na ng madaling araw ang alis ng barkada.

                                                                           …

Nasa hapagkainan ang dalawa.

Naghahapunan.

“Ano na? Nagtext na ba si Marian?”

“Wala pa rin eh,” nanghihinang sagot ni Angela bago isinubo ang pagkain na nasa kutsarang hawak niya.

Kinaugalian na ni Angela na sa bahay nina Dianna magpalipas ng gabi bago ang bawat outing ng barkada. As usual, sasakyan ni Dianna ang gagamitin gaya ng lahat ng mga nakalipas nilang lakad. Ang tanging pinagkaiba lang ngayon ay bago ang sasakyan niya, pangatlong sasakyan na nabili ni Dianna sa buong buhay niya. Isang itim na modelo ng Mitsubishi na nagkakahalaga ng 2.8 million pesos. Mura lang.

Halos mawalan na sila ng pag-asa nang manginig ang cellphone ni Angela.

“Sasama ako.” sabi ng text message.

Halos mabulunan siya nang mapasigaw sa tuwa. Dinampot ni Angela ang baso upang lumagok ng tubig bago siya magsalita, “Sasama raw si Marian!” natutuwang sambit matapos lumunok ng malalim.

Di na natulog ang dalawa, napasarap ang usapan nina Angela at Dianna hanggang isang oras na lamang ang natitira bago ang biyahe. Nagpasya ang dalawa na sa sasakyan na lamang magpahinga at si Chi muna ang ipagmaneho. Matapos maisaayos ang mga natitirang dapat asikasuhin, ipinakarga na ni Dianna sa kanilang boy ang mga gamit nila sa likod ng sasakyan. As usual, dala ni Angela ang buong bahay nila sa biyahe. Isang stroller bag, isang backpack at isang shoulder bag lang naman ang dala dala niya, mas kumaunti na ngayon kaysa nung mga nakaraang outing. May improvement.

Isa-isang nagsindatingan ang kanilang mga kaibigan. Pinakamaagang dumating si Marian.

“Akala namin hindi ka nanaman sisipot.” mungkahi ni Dianna sa kaibigan.

“Akala ko rin nga. Si mama kasi, parang ayaw ako paalisin.”

“Sus, nagdahilan ka pang ang mommy mo ang ayaw kang payagan. Ang sabihin mo, ayaw kang paalisin ng boyfriend mo.” biro ni Angela sabay ngiti kay Marian.

Matagal nilang hindi nakita si Marian, kaya naman mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya nang umapak siya sa loob ng mansyon nina Dianna. They’re the best of friends.

Alas tres ng madaling araw umalis mula sa bahay ang sasakyan sakay ang magkakaibigan.

Tuloy Kayo (Unang Libro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon