OS #8

17.7K 460 23
                                    

VIII.
Manggagamit

KASALUKUYAN kaming naglalakad ng mga kaibigan ko, pauwi na kami. Ganito lagi, sabay-sabay kaming nauwi.

1 message received

From: Suman
Hey, baby. Pwede ka bang pumunta dito? Miss na kita. 'Yong lagi nating tambayan. I love you.

Pagkabasa na pagkabasa ko no'n, napangiti ako. Pero kaagad na napawi 'yong ngiti ko nang malamang iiwan ko nanaman 'yong mga kaibigan ko para sakaniya.

Pero ayos lang, worth it naman dahil makakasama ko siya.

"Ah, guys. Mauna na kayo." Kumunot naman 'yong noo nila dahil sa pagkalito. "Makikipagkita 'ko kay Carl." Nakangiting alanganin na sabi ko sakanila.

"Carl nanaman. Hindi ka na nakakasama sa mga gala natin dahil sa lalaking 'yan, Bianca." Naiinis na sabi no'ng isa kong kaibigan.

"Oo nga. Mas priority mo na 'yan kaysa sa'min. Nagliligawan pa lang kayo ng lagay na 'yan." Sabay irap no'ng isa pa.

"Sorry. Babawi talaga 'ko, promise. 'Wag na kayong magtampo, ha?" At nagpaawa pa 'ko sakanila.

Gumana ka. Gumana ka. Gumana ka!

"Hayaan niyo na 'yan. Diyan siya masaya." Sabi no'ng isa.

"Ano pa nga ba?" Sabay na sabi nila at bumuntong-hininga.

Napangiti ako ng malawak. "Thank you, thank you! Bye!" Nakipagbeso muna 'ko sabay nagmadaling umalis. Baka kasi naghihintay na masyado si Suman do'n.

Pagdating ko sa lugar na usapan namin, may kausap siya.

Si Alaysa.

"Oh, Suman. Nasaan si Bibingka?" Tanong niya. Bigla akong nainis. Ako lang dapat ang tumatawag na Suman kay Carl. At mga ka-close ko lang ang pwedeng tumawag sa'kin ng Bibingka!

"Hindi ko alam. Kelan pa ko naging hanapan ng mga nawawala?" Natatawang sabi ni Carl.

Gago 'to, a?

"Naisip ko lang na baka alam mo kasi diba kayo na?" Malanding tanong ni Alaysa matapos sundan ng maharot na tawa.

"Ha? Hindi naman naging kami, a?" Tanggi ni Carl.

Hindi pa.

"What? 'Yong sweet niyong 'yon hindi pa kayo?" Kunwaring nagulat na tanong nito pero may kasamang panlalandi sa boses niya.

Mga galawan talaga ng mga higad.

"I'm just using her. Para masabi kong ang isang Bianca na kinababaliwan ng marami, mahal na mahal ako?" Nakangisi pang sabi nito.

Biglang lumiwanag 'yong mukha ni Alaysa, kasabay nang pagdilim ng ekspresyon ko.

Biglang may naapakan yata ako na nag-ingay dahilan para makita nila 'kong dalawa.

"A-Ah. Sige, Carl. Mauuna na 'ko." Paalam nito. Flirt and run?

No'ng kaninang wala ako, Suman? Tapos por que nandito na 'ko, Carl na?!

Hindi na nakasagot sakaniya si Carl dahil nanlalaking-mata na nakatingin ito saakin.

Ang higad at ang gago.

"B-Baby." At akmang hahawakan ako pero iniwas ko 'yong kamay ko.

"Ang lakas pa ng loob mong tawagin ako niyan? Tayo ba?" Malamig na tanong ko sakaniya, tapos ay ngumisi. "Naging tayo ba?"

At 'di ko na napigilan, tumulo na 'yong luha ko.

"M-Magpapaliwanag ako." Pakiusap nito.

"No. I've heard enough.You used me for fame, diba? You fucking used me, Carl! Kasi diba, famous ako? Tangina. Rot in hell!" Galit na galit na sabi ko.

His facial expression changed. From begging to smirk.

"Yeah, I used you. May problema ka ba ro'n? Do you even have the right to lash out on me like that? Malandi ka rin naman, a? Uto-uto ka pa." Tumawa siya ng sarkastiko. "You thought that I loved you? Seriously, Bianca? Are you kidding me? I won't waste my time loving someone like you. Someone who doesn't know how to stay loyal on his one and only man. In short, a whore." Nakangising sabi nito sabay tingin na parang pinandidirihan ako at naglakad na paalis.

Marahas ko siyang hinila at sinampal.

Tahimik siyang nakahawak sa pisngi, habang namumula naman 'yong kamay ko dahil sa lakas ng sampal ko sakaniya.

"Oo, malandi ako. But my heart only belongs to you. Malandi ako noon. But I started being loyal when I met you. Kasi minahal talaga kita, e. Akala ko kasi iba ka sa ibang lalaki na sinasakyan ko lang. Na huhusgahan ako, dahil hindi nila 'ko kilala. Akala ko, kilala mo na 'ko sa mahabang panahon na pagsasama natin. 'Yon pala, hindi pa. That's a mistake on my part, I won't blame you for that." Tumawa ako ng sarkastiko. "At ikaw, hindi ka ba malandi? Kung tutuusin, mas malandi ka pa sa'kin. Pero sinita ko ba 'yon? Hindi, diba? Kasi nga mahal kita." Napahinga ko ng malalim at napahikbi. "Well, sino nga ba ko? Ako lang naman si Bianca na pinormahan mo kasi famous at out of reach. Na ginamit mo lang para masaming lahat ng babae bibigay sa'yo. Na nagpauto sa mga panlolokong pinakita mo."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon