Chapter 23: Love Pollution

1.3K 24 12
                                    

Lucy's Point of View

Ilang araw nang tumatakbo sa isipan ko yung nalalapit naming Finals. I'm doing my best para hindi ko madisappoint sila Mama. I also have to set aside some of my problems for the mean time.

Isa na doon si Flavio na patuloy akong kinukulit. I'm starting get irritated, really. Hindi na ako makapagreview dahil palaging tumutunog yung cellphone ko. Kapag pinatay ko naman, tumatawag siya sa landline.

HIndi na daw siya makapaghintay, pero wala pa sa isip ko ang mga bagay na yun. Naguguluhan na ako. HIndi ko pa din nakakausap si Travis. Nakakahiya, ako kasi yung nagpalayo sa kanya. May gusto ba talaga siya sa akin? I'm just. . . . . . . confused right now.

Nasa kwarto ko ako ngayon at nagrereview ng accounting. Malapit na akong matapos. Actually, 2nd to the last chapter na ako. So far naiintindihan ko naman siya. Nakaupo ako sa upuan sa study table ko. Nakikinig ng songs mula sa iPod ko, at hindi pa ako naliligo. It's now 7am at wala kaming pasok ngayon. Kanina pa ako gising since 4am. Nagluluto na si mama ng breakfast at siguradong tatawagin na niya ako mamaya para kumain.

Biglang may kumatok sa pinto. I thought it was mom. Kaya naman sinabi ko, "Sandali na lang, mama. Susunod na ako."

"I'm not mom."

"Oh Levi, why are you here?"

"I was just about to go out when I saw you."

"Okay then," nilapitan ko siya ang kissed him," be good at school okay?"

"I'll be okay. Good luck to your exams. Good bye!"

I returned to my table with a smlie. It's great to know na may dahilan pa ako para ngumiti. Nagpatuloy na ako sa pagrereview. Nakatago yung laptop at cellphone to avoid any interruptions. Ayokong magkaroon ng anumang distractions kahit pa ang aking social life.

Narinig ko nang dahan-dahang paakyat si mama sa 2nd floor. Siguro tapos na siyang magluto. Nagugutom na din ako kaya tamang-tama lang. When she knocked at my door, I immediately opened the door. I thought that was her. Then he surprised me.

"Bakit ka nandito? Paano ka nakapsok?" tanong ko kay Flavio.

"Sa pintuan. PInapasok ako ng mama mo."

"Ha? Paano mo siya napapayag?" narealize ko na gulo-gulo pa yung buhok ko kasi hindi pa ako naliligo.

"Kailangan lang kita kausapin, pagkatapos nito, hindi na muna kita gagambalain so you could focus to your studies." sabi niya.

Nakatayo kami sa may pintuan, yumuko ako, nag-isip ng malalim. Siguro dapat tapusin ko na ito para mabawasan na yung mga iniisip ko.

"Magkita tayo sa may park, 10am. We'll talk there." then I closed the door.

Narinig ko na papalayo na siya at pababa na sa stairs. I gathjered my thoughts. I need to prepare myself. I don't want to hurt anybody. I just want to end this.

So yun na nga, niligpit ko muna yung mga gamit, nilagyan ko ng bookmark yung page kung saan ako tumigil. But when I was looking for a bookmark, nakita ko yung snow globe na bigay sa akin ni  Travis.

"NABASA KO NA YAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon