Chapter 18: Langgam

1.5K 12 2
                                    

Alam mo yung mukhang nakakainis? Yung mukhan g kapag nakikita mo, matatawa ka sa inis. Yung gusto mong tirisin kapag nakita mo?

Oo, mali ka.

Ngayon lang nagkaroon ng koneksyon yung title sa chapter sa storyang ito.

Mahal ang pagkain ngayon. Hindi ka na mabubusog sa limang piso. Kaya naman nagdodota na lang ako para hindi ako nagugutom. Pero minsan kapag hindi inaasahan o hinihingi ng pagkakataon, nadadatnan natin na puno na ng langgam ang ating pagkain. Bakit ganun? Ang mahal na nga ng pagkain, aagawan ka pa?

Bakit ko ba sinusulat toh? Wala lang, kahit maubos na yung tinta ng G-tec ko, hindi ko pa din alam kung bakit ito pumasok sa isip ko. Wala lang akong magawa. Akala ng prof ko nagnonotes ako pero sinusulat ko na napakaboring ng kanyang subject. Sa katunayan, kaharap ko siya ngayon at kunwari nakikinig ako sa kanya.

Questions?

Tapos walang magtataas ng kamay. Pero meron dyan isa na magtataas ng kamay, kahit irrelevant yung tanong, isa siyang dakil at bayani para sa akin.

Kinuha ng prof ko yung pamaypay ng katabi ko. Yung isa naman katabi ko nakikipagdaldalan sa katabi niya. Bakit hindi niya ako kinakausap? Simple lang, masungit siya. Pero hindi siya langgam. Baket? Kasi tao siya. Korni. Joke. Kasi mahal ko siya. Bakit? Kasi ang gwapo ko.

Nakakaawa na ang mga tao sa aking panahon. dati ang visual aids ay handwritten, nakalagay sa manila paper o cartolina at may nakalagay na design sa gilid. Sobrang daming effort. Ngunit ngayon, madami na ang mas prefer ang iprint sa bond paper at idikit na lang sa board. Walang kaeffort effort.

Tamad na kasi tayo. At karamihan sa atin reklamo ng reklamo pero wala namang ginagawa.

Wala daw trabaho. Lalapit ba ang trabaho sa iyo?

corrupt daw ang mga opisyal. Perfect ka? Edi ikaw pumalit kung kaya mo.

Marami din ang tumataya sa lotto/lottery. Isa sa malaking pagkakamali ang pagdepende sa swerte. Patunay lamang na tamad ang mga pinoy. Ibig sabihin gwapo at tamad din ako pero gwapo ako.

Bakit ako naiinis sa langgam? Kasi tamad ako. Sa dami ng tamad ngayon, konti na lang ang langgam. Dumadami ang mga buwaya at tumitigil ang gulong ng eroplano kapag lumilipad.

KOnri ng prof na'toh. Parang ako. Hindi nga lang gwapo.

Parang ang tagal ng oras. Pero ikaw hindi lalagpas ng 10 minutes bago ka makaabot sa paragraph na ito. Kung lumagpas either nahack yung account mo or kumain ka or tinawagan ka ni Shalani kasi nanalo ka ng P50,000 sa Wiltime Bigtime. Nakahanap na ng pamaypay yung kkatabi ko sa kanan. Yung sa kaliwa, nag-iingay pa din kasama yung katabi niya sa kaliwa. Kanina pa sila tinitignan ni prof pero wala silang pakialam.

* * * * *

Hawak-hawak ko ngayon yung regalo ng cell leader namin. Yung cell leader ay isang tao na leader sa isang cell group. Yung cell group naman, grupo siya ng mga taong gwapo at malapit kay God.

"NABASA KO NA YAN"Where stories live. Discover now