Chapter 16 part 2: The Overnight

1.5K 14 10
                                    

Ang sarap pala magtetris noh?

At proud akong sabihin na,

I was playing Tetris before it's cool. OYEEAAAAHHH!!!

Siguro yung iba, hindi na nila naabutan yun dating tetris, pero naabutan ko yun! (hala, parang ang tanda ko na ah. pero gwapo pa din ako.)

Noon kasi uso pa ang Brick game. Sino nakakaalam nun? Haha. Napakarare sight na siya ngayon kasi uso na ngayon ang computer. DUH.

Eh pwede ka ng magtetris sa facebook, bakit mo pa kelangan maglaro sa sinaunang brick game diba? Naalala ko pa, nakalagay sa brick game 100 games in 1.

ONE OF THE BIGGEST LIE. HAHAHA.

Kasi naman paulit ulit lang ung ibang laro at yung nalalaro ko lang dun ay yung tetris, yung arkanoid (di ko alam kung tama yung spelling) tsaka yung parang may tanke at yung may baril barilan. diba? remember? kung may kausap man ako...

Nakakaadik pa yun dati, minsan pinagsasabay ko yung brick game at panunuod ng dragonball kasi pareho ko yung paborito. Ayaw ko dati sa telenovela kasi puro halikan yung nakikita ko. HAHA.

at meron pa noong playstation na hindi playstation. basta. yung may kasamang plastic na baril? tapos may nilalagay na cartridge na nakalagay din na 100 or 1000 games in 1? tapos may Battle City. GRABE, kung narevive din yun ngayon katulad ng tetris, lalaruin ko yun! Hahaha. Yung baril naman para dun sa mga lumilipad lipad na mga ibon tapos babarilin mo, kapag wala kang nabaril, may lalabas na aso tapos tatawanan ka. :P

Besides doon, maganda din yung Super Mario nung wala pa si Luigi at wala pang halong mga cheats.

Nung medyo lumaki na ako, nagkaroon na ng mga 3310 na cellphone na kinabaliwan ng lahat. Hindi ko alam kung bakit pero parang cool ka na noon kapag may 3310 Nokia cellphone ka. Hahaha. Siyempre hindi ako magpapahuli! Nakakahigh score ako palagi sa Snake at Space Impact (oha oha, alam mo ba yun? cool ka din kapag naalala mo yun).

Pero kahit na adik ako sa mga ganun dati, mas prefer ko pa din ang maglaro sa labas, na ang mga kaibigan ko ay nasa kabilang bahay lang, nakakausap ko ng personal at hindi sa chat lang. Naliligo na ako sa pawis hindi dahil sa radiation o sa init computer kundi dahil sa pakikipaglaro sa labas. Umiiyak ako hindi dahil nawalan kami ng internet, kundi dahil nasugatan ako. Napipikon ako hindi dahil napakaplastik ng mga tao sa paligid ko kundi dahil nandadaya yung mga kalaro ko.

Ngayon na marami nang bahay na nakatirik sa dating naming pinaglalaruan, nalulungkot ako sa mga bata ngayon na lagi na lang nakaupo at nakaharap sa computer.

See? Ngayon ko lang din narealize pero masarap balikan ang nakaraan. Past is past. But memories are part of our lives. Good ones are worth of recollecting while bad ones are worth of sharing. Di ko alam kung anong pinagsasabi ko so please try to understand. HAHAHA.

 ASO MODE SIGNING OFF....

Here she is, Ms. Lucia Denise Penelope Entrillo! (second time na narinig yung full name niya, gusto niyo pa ng explanation kung saan nakuha yung pangalan niya? hmmmmm.. sa author's note..kaso hindi ako gumagawa nun, kaya hindi din malalaman. hahaha)

dug dug dug dug

dug dug dug dug

dug dug dug dug 

dug dug dug dug

ano yan? nagtatanim na kamote. madami nang nahukay oh. loljk.

yung puso ko ambilis ng tibok. hindi ko alam kung saan ako titingin, lahat sila nakatingin sa kanya tapos ako hindi ako makatingin, nattakot ako baka... mahimatay ako sa kagandahan niya!!!! WAAAAAAAAA...!!!

"NABASA KO NA YAN"Where stories live. Discover now