NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION

1.4K 14 19
                                    

Merry Christmas! (http://www.facebook.com/mgahangal)

Damit, CHECK.

Brief, CHECK.

Pants, CHECK.

Buhok, CHECK.

Mukha, PWEDE NA.

Naglalakad ako, may dalang ngiti sa aking mukha. Nadaanan ko ang mga makukulay na parol at christmas lights habang naglalakad. Nakita ko si Mang Jasul na naglilinis sa kalsada ng mga basura galing sa paputok ng mga bata.

Napakalamig ng simoy ng hangin, paskong pasko na nga. 

Dumaan ako sa isang simbahan, mukhang mayroong misang nagaganap, maraming mga tao sa labas na hindi na makapasok. Marami din mga nagtitinda ng kung anu-ano. Hindi naman uso dito ang mga puto bumbong. Basta makakain pwede na.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.

Tumigil ako bigla sa may tapat ng pedestrian lane. Hindi pa nakagreen yung light at maraming mga dumadaan na kotse. Iba't ibang klase, ngunit pumukaw sa aking atensyon yung mga taxi at jeepney drivers. Malapit na ang pasko at heto sila, namamasada para kumita ng pera para sa kanilang pamilya. Napansin ko din ang mga traffic enforcer na walang tigil na nagttrabaho para sa mapanatili ang ayos sa kalsada.

Naisip ko na napakaswerte ko. Kasama ko ang aking pamilya na magccelebrate sa ngayong pasko.

Ngunit nasaan nga ba ako? At sino nga ba ako? At bakit ako nandito?

Ako nga pala si Jericho Kayanan. Isang lalake. Isang binata. At isang ordinariyong tao.

Crush ko si Katy Perry at lagi akong nanonood ng Wiltime Bigtime. Mahihilig ako sa mga kanta ng Red Jumpsuit Apparatus and the like. In short, emo akong tao. Pero hindi naman halata sa appearance ko. Sa katunayan cute ako sabi ng mama ko. Kasing cute ko daw si Jollibee. Pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko sa Jollibee. Mas gusto ko sa Mcdo kasi doon gusto ng mga kabarkada ko.

Natatanaw ko na yung park habang naghihintay na mag stop na yung mga kotse sa pagdaan. Naging green na. Naglakad na ako. Nararamdaman ko na ang saya ng aking puso nang makita ko siyang nakaupo at naghihintay sa park. Binilisan ko na ang lakad ko.

"Kanina ka pa?" sabi ko nang nakalapit na akosa kanya.

"Hindi naman. Kakarating ko lang din." sabi niya.

"Hmmm, anlamig noh?" sabi ko.

"Yup." sabi niya.

"Sabi mo ngayon ko na malalaman yung sagot mo."

"Tungkol diyan, gusto mong maglakad lakad muna?" 

At naglakad lakad nga muna kami. Hindi ko siya girlfriend, nanliligaw pa lang ako sa kanya. Si Carla. Siya ang aking pangarap. Napakaganda niya at wala na akong hahanapin pa kapag naging girlfriend ko siya. Gusto kong mahawakan ang kanyang mga kamay. Ngayon, iniisip ko kung anong gagawin namin mamaya kapag sinagot na niya ako..

"Uhm.. Jericho." sabi niya.

"Ready ka na?" sabi ko.

"Ikaw ready ka na?" sabi niya.

"Oo, kanina pa!"

"Napakabait mo sa akin Jericho, at hindi ko alam kung paano ko masusuklian yung mga nagawa mo para sa akin."

"Alam mo naman kung anong gusto ko eh."

"At hindi ko iyon mabibigay."

"Hindi? Siyempre gusto ko kasi ng laptop eh. Haha!"

"Hindi yun Jericho."

"Eh ano? HIndi naman kita magets. Diretsuhin mo na lang kaya ako."

"Jericho, tingin ko hanggang friend lang talaga tayo. I'm sorry...."

"NABASA KO NA YAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon