Chapter 19: Some Things are better left unsaid.

1.4K 17 8
                                    

Flavio: Tol.

Travis: Bakit? Kilalamo ako?

Flavio: Oo. Matagal na kitang hinahanap.

Travis: teka, paano kita naging friend? Di ko maalalang inadd kita.

F: Napakaweak mong tao.

T: HA?

F: Kilala mo si Roxanne Urmeneta?

T: ahh. oo. Inadd ko yun..

F: Dahil lang babae at maganda ang picture inadd mo na. Tsk.

T: Ibig sabihin ikaw yun?

F: Oo. wala kang tira, hindi mo ko maiisahan.

T: teka lang. direchuhin mo na ako, ano bang kailangan mo?

F: akin lang si beb ko.

T: Sinong beb?

F: kunwari ka pa, alam ko kung sinong gusto mo.

T: SINO NGA?

F: Si LUCY BEB KO.

Flavio is offline.

Flavio lang talaga pangalan niya. Grabe. Di ko siya kilala. Yung profile picture niya, picture ni Bong revilla Jr. Tapos nakatira sa Pandayan. Ang nakita ko lang na koneksyon o clue ay mutual friend nga siya ni Lucy. Nakakainis talaga. Akala mo may tira. Ako pa daw yung walang tira? Suntukan na lang dapat eh. Ayokong mainis kung normal na pangttrip lang. Pero sinama na niya si Lucy sa usapan. Di ko toh palalagpasin!!!!!

tumunog ulit yung facebook.

Flavio: Alam kong marami nang pumapasok sa isip mo at alam kong pikon ka na sa akin.

POTEK?! Nag-online ulet? GUMUGUSTO TOH AH.

ROUND 2

Flavio leads 1-0

Travis: Kilala na kita.

Flavio: Nice try, napredict ko na yan ang sasabihin mo bago ako ulit mag-online.

Travis: Ong somo mo nomon.

Flavio: Yun lang?

Travis: Kay Lucy.

Flavio: Anong Lucy.

Travis: Tatanungin ko kay Lucy. Malalaman ko na ang tunay na pangalan mo.

Flavio: HAHAHA. Sige lang..

Travis: Ge. Good luck.

Travis is offline.

Hindi ko alam kung sino dapat manalo sa chat na yun. Pero tingin ko nagpakiramdaman lang naman kami.

Natulog na ako. Pero hindi pa. Ang gulo noh? Kasi kapag gusto ko nang matulog. ayaw naman ng utak ko. Nakakainis, bigla na lang pumapasok sa isip ko yung mga iba't ibang bagay na wala naman kinalaman sa pagtulog.

Pumasok sa isip ko ang maraming bagay tulad ng tungkol kay Flavio. Pinagisipan kong mabuti kung sino nga ba siya at ano ang koneksyon niya kay Lucy.

-marahil isa siyang acquaintance ni Lucy. basta, pero hindi ako sure kung relative niya or friend lang kasi hindi ko naman sinisigaw sa buong mundo na mahal ko siya.

- Hindi ko alam kung nangttrip lang siya at isa siya sa mga kakilala ko. remeber, iilan lamang ang may alam tungkol  sa nararamdaman ko kay Lucy.

- Kung isa nga siya sa kakilala ko, madali na lang malaman dahil pipigain ko silang lahat.

"NABASA KO NA YAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon