Chapter 49 - Stress

45.2K 818 17
                                    

isang taon ako namahinga no? hahaha goys sorry try ko bumawi :3 hihingi ako favor :3 hmmm mag uupdate ako lagi kahit gabihin ako mag wifi dito PERO ivote nyo one shot na ipopost ko someday lol haha nagmamakaawa ako :3 malapit na matapos tong TNIASGP konting push na lang sana di pa kayo nasuko hoho o ayun eto isang chapter :3
recap sa mga kaganapan, ikakasal na si Khiara at Red yeheeeyyy~ taposs.... malapit na talaga to matapos ehh swear
wag nyo sukuan plesss ; u ; hehe eto na

Khiara's POV

Malapit na talaga kasal namin, yung kakilala ni Vanessa sikat na designer pala sa ibang bansa. Sa Sudetenland ohhh alam nyo yon? hindi diba? kaya hindi naten kilala si Ate Fifi (siya yung mananahi na sinasabi ko)

"Mabilis namin matatapos yung mga gown niyo, pero ang weird talaga kase red and white tas may konting black ang motif nyo, ang dami ahh" sabi ni ate Fifi habang nagkukwentuhan kame dito sa bahay nina Zhane

"Ehh kasi nga kailagan one of a kind tong wedding ni Khiara at Red, kung pwede nga doon sa may tabing ilog ang kasal ehh" sagot ni Zhane

"Hayyy di ako makapaniwala na 'ganster' ka date, tingnan mo sarili mo! mukha kang prinsesa!" sabi ni ate Fifi at in-air quote pa yung gangster

"Pwes kailangan mo maniwala kase... umm basta kailangan oki???" sabi ko naman

"Marunong ka pa din ba makipaglaban?" tanong ni ate fifi

"Hmm di ko alam, mula noong naging kami ni Red wala na ako nakitang reason para makipag  bugbugan" sabi ko habang nanguya ng cookies

"Baduy mo, daming alam oo at hindi lang naman hanap ni ate fifi pinahaba mo pa" sabi ni Zhane at hinampas ko siya

"Pero malakas pa din sya, mukha nang mababalian si Zhane sa hampas nya" sabi ni Vanessa

"Gano ka ba kalakas date?" tanong ni ate Fifi

"Date? ano sinasabi mo mahina na si Khiara ngayon?" tanong ni Vanessa

"Gusto mo bang malaman ate Fifi?" tanong ko habang nakangiti

"Hala wag, sige ka wala kang magiging gown, naka belo ka lang tas wala na haha" sabi ni ate Fifi at kumuha ng isa pang cookie

Kahit na 5 years tanda ni ate fifi parang close na kame, di ko nga din alam kung bakit pa namin sya ina-ate ehh

 Kaming apat lang nandito yung mga kolokoy na lalake nag paparty, sinusulit daw ang mga single-days pa ni Red. Ewan ko sa kanila basta wag sila magloloko kundi macacancel tong kasal.

Pero sabagay masaya na to, walang maiingay na lalake magrereklamo na ang boring ang usapan etsetera etseteraaaa mas maarte pa sila sa babae minsan ehh.

"Hello... hoy Kyle saan niyo dinala si Red mamaya nilululong niyo siya sa kasamaan niyo ahh" sigaw ni Zhane sa cellphone nya

"Beach... ano naman gagawin niyo dyan? Ang lamig lamig nag bi-beach kayo? Bumalik na kayo dito samen sleep - over tayo hahahaha" sabi ni Zhane at binaba agad ang cellphone niya bago pa makasagot si Kyle

"May something ba sa inyo ni Kyle?" tanong ni Vanessa

 Inusod namin mga upuan namin papalapit kay Zhane at tinitigan namen sya mg maigi.

"Hala kayo, kami? Mag ate nga lang ata kame pwede ehh, tingnan mo naman si Kyle, immature na batang kailangan mo icheck lagi kundi baka mamatay" sabi  ni Zhane

"Noong una una di naman siya ganon ehh, nagbago sya" sabi ko

"Edi sinasabi mo ba samin na chinechck mo siya lagi?" tukso ni ate Fifi

"Di ahhhh" mabilis na sagot ni Zhane

"Yeeee" irit ni Vanessa at pilit kinikiliti si Zhane kahit na nasa pwet niya naman yung kiliti nya

"Sus, tingnan nyo ubos na ang cookies kukuha lang ako" palusot ni Zhane at tumayo

Pagkaalis ni Zhane nagtawanan kami.

"Ang cute niya mataranta hahaha" sabi ni Vanessa

Pinagkakatuwaan pa namin si Zhane nang may mabasag na pinggan tapos nagmamadali sya pumasok sa veranda kung saan kame nakatigil.

"KHIARA! !!" sigaw ni Zhane may hawak na sulat

"Ano yon?" tanong ko

 May iniabot syang sulat sakin, yung panulat na ginamit ay either red na red na ballpen or dugo... kaso base sa mabantot na amoy mukhang dugo to.

Nagmadali akong buksan to nagulat ako sa laman medyo pamilyar kasi..

"Ano nasa loob?" kinakabahang tanong ni Vanessa

"Death threat ba?" tanong naman ni ate Fifi

"Hindi.. pero sapat na to para matakot ako"

 Ang nilalaman niya kasi ay patay na rosas (death rose ---- dead rose nedyo pareho, nang bubwiset ata nagpadala nito ehh) tapos may litrato namin ni Red pero punit tapos may dugo dugo kay Red. Binabantaan niiya ba ako o si Red? Sana may sulat manlang diba? Di ko nagets ehh ang nagets ko lang may plano sya patayin si Red pero... bakit? at bakit nya pinadala to? may kailangan siguro sya pero bakit di nya sinabi? Kase kung wala siya kailangan di siya magpapadala ng ganito dahil syempre magiging alert kame at mag-iingat kaya.. ang gulo niya kainis, stressed na nga ako sa kasal stressed pa ako dito sa taong to.

"Di manlang ginunting yung picture basta punit ehh" biro ko

"Khiara ayan ka nanaman ehh, nagbibiro ka pa ehh buhay niyo nakasalalay" sabi ni Zhane

"Hindi pa ba tapos lahat ng gulo? Okay na yung mga nakaraang araw walang nagyayari, pero bakit may ganito nanaman" inilapag ko yung sulat at pumikit habang hawak hawak yung ulo ko

"Sabihin mo agad..."

"HUWAG!" sigaw ko bago pa matapos ni Zhane sasabihin nya

"Bakit?" tanong ni Vanessa

"Ayoko na mamroblema siya" sagot ko

"Kailangan sabay niyo harapin to, pag naglihim ka sa kanya mas mahirap lang yan" sabi ni ate Fifi at sa pinaka unang pagkakataon ay mature siya pakinggan

 May bumusina sa labas. Natakot ako sasabihin ko ba o hindi. Naalala ko may nagbabala na sakin na may mangyayari diba? Pero di ko maalala kung sino at ano pa ang mga detalye. Umiling ako at nagbalak salubungin sina Red nang....

"KHIARA ANO TO?!" narinig ko boses ni Red at mga yabag ng paa na siguro ay sina Red Cyrus at Kyle nagmamadali sila umakyat...

-----
-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon