QUOTA 7

17 2 2
                                    

So here's an update. After how many months? I guess.. And to tell you honestly guys, medyo limot ko na kung anong nabuo kong plot about sa story na ito dahil sa sobrang tagal na. But I will still push this story, 4 Chapters na lang matatapos na rin itong kabaliwan ko. Like I said this is just a short story. Maybe I'll just think of a new plot na marerelate ko sa magiging ending nito. May ending na kasi talaga tong story na to but yung mga chapter in between eh nakalimutan ko na. hahaha. but I  won't dissappoint you guys, you can't count on me that the last 4 chapters will be good. :) Thanks for spending your time reading this crazy story of mine. Enjoy. And please leave a comment or vote( If you want). :)

*****

LJ'S POV

So we're finally here in the concert venue. Woooh! Akala ko di na kami aabot kasi we still encountered traffic along our way. Syempre ano pa bang ieexpect mo sa Pilipinas. Dito lang ata may forever. Traffic. Pwede na nga siguro sumali sa mannequin challenge ang traffic sa Pilipinas, sure akong panalo na tayo dahil sa di gumagalaw ang mga sasakyan.

So yeah.. again we are already here. Yes. Of course kasama ko pa rin si Jason no. Baka akala nyo ako na lang mag-isang nanunuod. Nakapasok na kami sa venue mismo kung saan makikita mo na yung buong concert area. Wow lang talagang binonggahan ni Vice Ganda tong concert nya. Pak na pak yung stage set up. nasa gitna mismo yung stage then sa paligid nya eh yung mga concert seats, sa mga VIP siguro.

Speaking of concert seats di ko pala alam kung saan ang upuan namin. Matanung nga tong kasama ko pero mukhang alam nya naman kung saan kami pupwesto kaso parang papunta ata kami sa medyo malapit sa stage.

"Jason diba dun ang gen aud?" tanung ko habang tumuturo kung saan yung pwesto nung sa gen aud.

Tumingin sya sa kin. Sheet. Those eyes.. I wont get tired looking at those brown eyes of his.

"Sa tingin mo sa gen aud lang tayo? Ganun na ba kababa tingin mo sa kin LJ?" Tanung ni Jason na parang tunog naoffend.

Shit. I mentally slapped myself. Like jeez.. that's not what I mean, I don't want to offend him, It's just that..

He started to laugh which suprised me.

"LJ, I'm sorry. I didn't mean to laugh at  you but you look like a scaredy cat." He said it between his laugh.

Naguluhan naman ako sa sinabi nya hindi dahil sa english sya syempre naintindihan ko yun no. At mukhang nabasa nya naman ang nasa isip ko.

"Namutla ka kasi. Akala ko wala ka ng ipuputla dahil sa maputi ka na meron pa pala." Then he started laughing again.

This time sinimangutan ko na sya. Kainis tong lalaking to kung di lang talaga kita..

"Natakot lang naman ako na baka naoffend kita sa sinabi ko kanina about sa upuan natin." I don't want to offend him of course. Baka isipin nya na mapangmata ako.

"No it's fine. You didn't offend me." He said while smiling. Jeez that smile..

I smiled back too.

"Well about the seats dun tayo.." sabi nya sabay turo medyo malapit sa stage. "Silver tickets kasi tayo." he added.

Napa-O shaped na lang ang bibig ko. Syempre wow no. Silver tickets magkano rin yun. Di ko maaavail yun. Yung concert nga ng Coldplay sa April di ko maavail yung silver eh. Haay.. sana dun na lang date namin. Wait..why I'm saying that this is a date? It isn't. Stop claiming it LJ.

Nagpunta na kami sa seats namin. May mga marshalls rin naman na nagaassist sa min papunta sa upuan namin.

Umupo muna kami since di pa naman start. Hinihintay pa sigurong mapuno yung Araneta which is mangyayari naman talaga. Vice Ganda eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon