QUOTA 6

11 2 0
                                    

QUOTA 6

*****

Yaaaaaawn...

Haaay... inaantok  na ko at nandito pa rin kami sa bus, traffic kasi. For how many times did I say this.. Rush hour.

Well.. after nung convo namin nitong katabi ko about sa reason ko sa pag-smile eh hindi na kami nag-uusap. Hindi naman naging awkward yung atmosphere kasi siya nanunuod dun sa movie sa tv. Lahat naman ng bus may ganon diba?

Naghalungkat ako sa bag ko for my earphones. Makikinig na lang muna ako ng music. Kaso mukhang ayaw makiisa ng bag ko at hindi ko mahanap ang earphones ko. Susuko na sana ako ng mag-vibrate ang phone ko.

I checked my phone to see who texted me. It's from Rae.

From: Rae

Ate.. Nsa kin yung earphones mo. Naisama ko ata knina nung nagaaus ako ng bag ko.  Sorry! ^__^v

Just great. The only thing that can kill my boredom eh wala pa. Fine.  Pagsasawain ko na lang yung mata ko sa pagsilip sa bintana. Puro naman sasakyan, anong maganda dun? Bukod sa polusyon at usok na dala ng mga yan ano pa??

Hindi nagtagal eh nakaramdam narin ako ng pagbigat ng mga talukap ng mata ko. Inaantok na ako. At hanggang ngayon ang bagal ng usad ng traffic. Haaay..

Isinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana tutal malapit naman ako dun. At hinayaan ko muna ang sarili kong makatulog..

+++++

Author's POV

Habang si LJ ay sarap na sarap sa pagkakatulog niya habang sila ay nasa bus eh hindi niya alam  na ang katabi niya ay nag-aalala sa kanya. Oo kanina lang eh nanunuod lang ito ng movie sa tv pero nung napansin niyang sumandal si LJ sa bintana at sinilip niya ito sa peripheral vision niya na nakapikit na at natutulog eh nag-alala na siya. Hindi naman siya ganun kamanhid para di malamang nahihirapan ito sa pwesto nito.

Sa tuwing humihinto kasi ang sinasakyan nila ng biglaan dahil sa traffic eh nauuntog si LJ sa bintana at minsan nawawala sa pagkakasandal ito.

Di rin naman nagtagal at mukhang nakahanap ng pwestong maayos si LJ sa paraan niya ng pagsandal sa bintana kaso nag-aalala ang binata sa pwesto niya. Dahil baka sa paggising ni LJ eh sumakit ang leeg nito.

May naisip naman siyang paraan kaso nahihiya syang gawin at wala siya sa posisyon na gawin iyon.

Yun ay ang pasandalin si LJ sa balikat niya. Nahihiya siyang igiya ang ulo nito sa balikat niya, baka magising ito at tanungin siya kung anong ginagawa nito o much worse eh sampalin sya at mapagbintangang manyak.

But agad niyang ipinilig ang leeg niya magkabila. Bakit naman siya nito sasampalin at sasabihan ng manyak kung magkakilala naman sila at magkasama pa nga silang manunuod ng concert ni Vice Ganda.

Bigla siya tuloy napaisip kung bakit sa dami-dami ng pwede nilang panuoring concert ngayong May eh yung concert pa ni Vice? Parang hindi bagay sa sitwasyon nila.. pero teka ano nga bang sitwasyon nila?

Kung di ba naman dahil sa ate niya na siyang may planong manuod ng concert ni Vice at siyang bumili ng ticket na gagamitin nga nila ngayon eh sana wala siya dito. Pero di niya ba gusto na makasama itong katabi niya na manuod ng concert na inatrasan ng ate niya dahil sa surprise ng bf nito?

Well to tell you honestly guys..

+++++

LJ's POV

QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon