QUOTA 4

22 3 0
                                    

QUOTA 4







*****







May 22, 2015







"Ano ka ba ate.. dapat mag ayos ka, mag make-up ka." si Rae na di ako tinatantanan about sa araw na to.





Ano nang araw ngayon? Friday. May 22, 2015. Ang araw na pinipilit ng dalawa kong pinsan na date pero hindi nga. Ang araw na manunuod kami ng concert ni Vice Ganda na Gandang- Ganda sa Sarili sa Araneta Coliseum.





"Bat pa ako mag-aayos kung manunuod lang ng concert? Di naman ako makikita ni Vice at pupurihin no.. ang laki-laki ng Araneta para mapansin ako nun." sabi ko sa kanila na pilit nilalagyan ng blush-on yung mukha ko.





Inaayusan kasi nila ako. one o'clock pa lang ng hapon eh kinukulit na nila akong maligo at mag-ayos. Eh three o'clock pa kami magkikita ni Jason sa SM Sucat. Napag-usapan na kasi namin sa txt na magkikita na lang kami dun at tska kami aalis papunta ng Araneta.





"Gaga!" si ate Rachel. Tignan mo namura pa ko. "Sinabi ba namin na kay Vice Ganda ka magpapaganda hindi naman diba? Dun sa kadate mo." sabi niya at sinuklay yung buhok ko.





"O ano naman kung kay Jason? Mas okay na ko sa simple lang di naman niya ako mapapansin eh. Tska manonood nga ng concert diba?" sabi ko ang kulit kasing kausap ng mga to.







"Sigurado ka?" di makapaniwalang sabi ni Rae at sinuri ako mula ulo hanggang paa.





"Bakit?" Anong masama sa suot ko? Naka- black pants ako at polo shirt na blue Naka-converse lang din ako na sapatos.



"Sabi niyo naman okay ang porma ko ah.. Bagay nga sa kin yung suot kong damit.. medyo fitted kaya sabi niya lumabas yung kasexyhan ko na sa tingin ko wala naman ako." dagdag ko pa. Oo sila nagsabi niyan inulit ko lang.



"Alam mo. oo nga maganda ka, syempre maganda lahi natin eh.. Matangkad ka rin naman, medyo maputi, di ganon kataba di naman ganon kapayat, slim lang ba.. matalino pero kulang sayo.." tumigil siya at sinuyod din ako ng tingin at napailing.


"Confidence sa sarili.." pagpapatuloy ni ate Rachel sa sermon niya sa akin na sinangayunan naman ni Rae.



Wow. Nahiya naman ako sa maganda ang lahi natin. Naipasok niya talaga yun ahh...


"Ako nga tong mas matanda sayo, di biniyayaan ng katangkaran at mukhang napunta lahat ng tangkad sayo tapos ako naman itong malakas-lakas ang confidence, siguro nung nagpasabog ng biyaya ang Diyos ikaw tong nandun sa katangkaran at ako naman tong sa confidence. Nasobrahan ata yung mga nakuha natin kaya yung tangkad ko dapat eh napunta sayo at yung confidence mo naman napunta sa akin." mahabang sabi na naman ni ate Rachel.

May pinanghuhugutan kase siya. Yung height niya.

"Ikaw tong... nako.. binababa mo sarili mo." patuloy niya. Hahahaha. Natawa naman ako sa sinabi ni ate Rachel.


"Kaya if you have it flaunt it ate LJ.." Segunda ni Rae. "Sayang ka.." dagdag niya na kita mo talagang nasasayangan sa kin.



I just sighed. Talo ako sa kanila.. Lagi naman kapag nagsama talaga sila.. wala.


"Oo na. pero pwede lang wag niyo ng galawin buhok ko. Okay na ako sa lipbalm at blush-on niyo." at ang mga loko.. ngiting tagumpay.


At inayusan na nga nila ako..




QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon