QUOTA 5

12 3 0
                                    

QUOTA 5

*****

Nakatayo kami ngayon sa labas ng SM. Naghihintay ng masasakyan na taxi.

Haay.. nakatayo lang kami hindi naguusap. This is awkward.. so I decided to break the awkward silence.

Tumingin ako sa kanya. Tumingin din naman siya sa akin. Those eyes... Gosh.


"Uhm. Jason, sure ka bang magtataxi tayo?" tanong ko. Kasi naisip ko lang na kung magtataxi kami malaki yung magagastos namin sa pamasahe, eh may kalayuan ang Araneta dito sa Sucat. Tapos weekend pa naman ngayon so sure akong traffic. Kaya baka dumoble yung gastos niya. Oo niya.. siya daw sasagot sa lahat. Syempre nahiya naman ako kaya nagiisip ako ng paraan para makatipid.

Tumango siya dun sa tanong ko. Haay.. mukhang sure na talaga siyang magtaxi kami.

Think LJ.. Think.

Napansin ko naman si manong guard malapit sa amin. Baka may alam siyang way para makatipid kami.

Lumapit ako kay manong guard at nginitian ito.

"Ah kuya manong guard pwede po bang magtanong?" ako. Ngumiti at tumango si kuya manong guard sa akin.

"Magkano po ba kapag nagtaxi simula dito papunta ng Araneta?" tanong ko. Napaisip si kuya.

"Ah. tingin ko po mga kulang-kulang na 350. Depende pa po yun kung traffic kase kapag traffic baka umabot kayo ng limang daan mahigit." sagot ni kuya.

Gosh! Ang laking pera nun ah. Seryoso tong si Jason?? Yaman niya ah.. Kungsabagay.. scholar nga rin pala to katulad ko.

"Eh kung magbu-bus po kami mas makakamura kaya kami?" tanong ko ulit. Nakakapanghinayang naman kasi yung limang daan no. Sayang yun..

"Opo ma'am. Tingin ko po." masayang sagot ni kuya. Katuwa naman tong si kuya. Masayahin. Tumango na lang ako bilang pasasalamat.

Sakto naman nun ang pagdating ng isang taxi sa harap namin. Pinagbuksan ako ni Jason ng pintuan kaso ako tong hindi pumasok may naisip na kasi ako yun.

"Sa tingin ko mas okay ngang mag-bus na lang tayo." sabi ko kay Jason na hawak pa rin yung pintuan ng taxi at hinihintay akong pumasok.

Tumingin naman siya sa akin ng naguguluhan.

"Kasi kung magtataxi tayo, gagastos ka ng mahigit limang daan. Ano ka ba para sa taxi gagastos ka ng ganun eh kung pwede naman pa lang mag-bus dun makakatipid tayo." explain ko.

"Tsaka sa tingin ko mas safe yun keysa sa taxi eh diba yung iba may mga modus.." sabi ko at napatingin kay manong taxi driver. "No offense po sayo kuya.." sabi ko kay manong driver with hand gestures. Tumango lang siya sa akin. Buti naman akala ko magagalit.


"So.." sabi ko at tinanggal yung kamay niyang nakahawak sa pintuan ng taxi at ako ng nagsara. Siya kase eh parang di makapaniwala sa sinabe ko at parang inaanalyze niya pa yun.

Di ko naman na pansin na nakahawak pa rin ako sa kamay niya. Tumingin ako dun at ganun din siya. Agad ko namang binitawan yun na parang napaso ako. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Nag-blush ako. Shoot! Sana di niya mapansin.

Tumikhim na lang ako. Para di maging awkward. Tumingin ako sa kanya.

"Tara na sa sakayan ng bus baka mahirapan tayo makasakay. Rush hour pa naman ngayon." at nauna na kong maglakad. Ngumiti ba naman siya akin dahilan ng pagbablush ng pisngi ko.

Kailan ba ko di mamumula ng dahil sa ngiti niyang yan??

~~~~~


"Wiw!" sabi ko na hinihingal na umupo sa upuan. "Buti na lang at may naupuan pa tayo." Totoo yun. Hirap maghanap ngayon dahil Friday at six o'clock. Rush hour.

Itong kasama ko naman kala mo naliligo sa pawis, tagaktak eh. Nilabas niya yung panyo niya at pinunasan niya yung pawis niya sa noo. Oh Gosh! Yung pabango niyang di ko makalimut-limutan. Di siya ganun katapang pero ang manly ng dating. Ewan ko ba.. alam nyo bang dumating ako sa point na hinanap ko yung pabango niya kaso di ko naman alam yung pangalan nun. Kaya kapag nakakaamoy ako ng ganung pabango siya agad naaalala ko. Creepy right? I know. Pero wag nyong sabihing di kayo dumaan sa ganyang stage ng crush.

Buti na lang at airconditioned tong nasakyan namin. Di masyadong mainit at di kami pagpapawisan. What do you expect from Manila?

Nakaupo ako malapit sa bintana, siya malapit sa aisle. Sa right side kami banda nakapwesto.


Lumapit na sa amin yung konduktor. Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Ngumiti naman si kuya pabalik. Medyo bata pa si kuya konduktor siguro mga nasa twenty-one siya. Medyo cute si kuya ah.. mukhang di siya bagay dito sa pagkokonduktor. Wait.. what? Did I just check him out while my crush is on my side? Nagtataksil ako! Wait.. ano ulit? What am I thinking? So stupid of me!

"Saan kayo miss?" tanong sa akin ni kuya na hindi parin inaalis yung tingin sa akin.

Nagulat naman ako ng tumikhim tong katabi ko at inabot yung bayad namin sabay sabi kung saan kami bababa.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana habang inaayos ni kuya yung ticket namin. Nung narinig kong may pinunit na tumingin ako ulit pabalik sa kanila at nakitang nakatingin pala sa akin si kuya. Ngumiti na lang ako at siya rin bago umalis sa harap namin.

"Ganon ka ba lagi?" tanong bigla nitong katabi ko. Tumingin naman ako sa kanya ng nakangiti para ipagpatuloy niya yung tanong niya.

Napabuntong-hinga siya. "Nginingitian yung mga taong di mo kilala.." sabi niya.Di ko alam kung may bakas ng inis yung boses niya o wala pero what? Inis? Imposible.

Tumingin siya sa akin na parang hinihintay yung sagot ko. Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya.

"Ano namang masama kung nginitian ko sila?" tanong ko pabalik sa kanya. Nung di niya masagot tanong ko nagpatuloy ako.

"Ang isang simpleng ngiti sa kanila malaking bagay na yun para sa isang buong araw nilang pagpapakapagod sa trabaho." sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Yung simpleng ngiti yun parang reward na sa kanila yun na may nakaka-appreciate sa serbisyo nila." dagdag ko.

"Pero pano kung iba yung pagbibigay nila ng kahulugan sa isang ngiti?" tanong niya.

Napangiti na lang ako ulit. "Nasa sa kanila naman yun kung anong gusto nilang pakahulugan sa ngiting yun. Basta ako ngumiti sa kanila na bukal sa kalooban." sabi ko.

"At di naman nila ako masasaktan kung ngumiti man ako sa kanila. Okay ng mag-isip sila ng masama tungkol sa ngiti ko basta hindi nila ako sasaktan." sabi ko.

Medyo nag-aalinlangan pa siya kung ngingiti siya sa sinabi ko o hindi pero ngumiti din siya.

Nakangiti na lang akong bumaling sa bintana. Pansin ko lang madalas akong napapangiti ngayong araw na to. Ewan ko.. sana hindi dahil sa kanya tong mga ngiti ko.

Baka masanay na kong nandyan siya para maging dahilan ng pag ngiti ko...

*****

QuotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon