Chapter 65 ♥ After The Wedding

471K 8.1K 1.1K
                                    

Chelsea POV

After the reception..

"Baby ko, saan mo nga gusto mag-honeymoon?" Tanong ni Kyle.

Nagpapahinga na kami dito sa isa sa kwarto sa hotel. Tapos na ang reception. Sobrang pagod na'ko kaya hindi ko na kayang makigulo sa ibang bisita. Gabi na din kasi. At alam nyo naman 'pag buntis, madaling mapagod.

"E-Eh gummy bear kailangan pa ba yun? Buntis na kaya ako." Kasi naman. Nahihiya ako. Kailangan ba talaga ng honeymoon?

"Kahit na buntis ka baby ko."

-_-

Seriously? "Bahala ka gummy bear. Kahit saan." Sabi ko. Hayaan ko na nga. Kanina pa yan si Kyle bukambibig honeymoon.

"Kahit saan? Pero saan yung pinakagusto mo puntahan?"

"Sa puso mo." Haha.

"Bumabanat ka na naman. Matagal ka ng andito sa puso ko. Tch. Saan nga baby ko?"

Sumandal ako saglit sa headboard ng kama. Napagod talaga ako sa kasal kanina. Pero nakakatuwa lang kasi succesful. Asawa ko na talaga si Kyle. "Ako naman kasi, kahit saan mo'ko dalhin okay lang basta kasama kita."

 

Ngumiti si Kyle sa'kin saka ako hinalikan sa tungki ng ilong ko. Then sa lips. "I love you."

"I love you too." Mabilis na sagot ko.

"Matulog ka na, maaga tayong aalis bukas para sa honeymoon natin." Sabi ni Kyle.

Tumango ako saka ngumiti. "Goodnight gummy bear. Sobrang saya ko talaga. Thank you sa lahat. Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinakasalan ko. I love you." Sabi ko saka hinalikan si Kyle.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon