Chapter 61 ♥ Sincere

500K 8.5K 894
                                    

Kyle POV

Kasasakay ko lang dito sa kotse ko. Alam kong sa mga oras na'to, bugbog sarado na ang mukhang pugo na yun.

Pasalamat sya hinayaan ko pa syang mabuhay. Pati relasyon namin ni Chelsea ginugulo nya. Di nya kilala ang kinakalaban nya.

XSupremo.

How I miss that name.

Ilang taon naba ang lumipas nang huling beses akong natawag na XSupremo?

Ang Xbang ay grupo ng mga gangster. Pumapatay sila. Wala silang puso. Walang pwedeng umagrabyado sa bawat isa.

Kalaban ng isa, kalaban ng lahat.

Yun ang motto ng Xbang. Si Xking na leader ng gang ay matagal ko ng kilala. Nai-kwento ko na kay Oliver. At totoo yun. Malaki ang utang na loob sakin ni XKing. Oo nga't ang kapalit ng pagtulong ng pamilya ko sa kompanya nila Xking ay pang-habambuhay na proteksyon..

Pero may hindi ako sinabi kay Oliver.

Hindi ako gangster.

Pero alam ng Tigers na kaya kong pumatay pag ginalit ako o pag may inagrabyado sa mga taong mahahalaga sakin.

Ang matagal ko ng lihim na diko sinasabi sa Tigers.

Na mula nung tinulungan ng kompanya namin ang kompanya nila Xking, ako na ang tinagurian nilang pinuno. Ibig sabihin, leader si Xking pero mas mataas pa rin ako sa kanya.

Nagkusa silang ibigay sakin ang karapatan na hawakan silang Xbang. Pumayag ako basta ang kasunduan, hindi ako sasama sa mga gang fights nila. Proteksyon lang ang hinihingi ko sa kanila.

Kaya kung kinatatakutan ng lahat ang Xbang, pwes, isang tao lang ang kinatatakutang ng buong Xbang.

Ay ako yun. Ang kanilang XSupremo.

Kung tutuusin pwede ko silang papasukin sa SWU pero nagdalawang isip ako. Hindi ko sila pwedeng makasama sa iisang school. Ayokong malaman ng lahat na ako ang pinaka-pinuno ng Xbang. Lalo na ng Tigers. Si Adrian at Lance lang ang may alam since sila ang pinakamalapit sakin.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon