Chapter 4 ♥

899K 19.3K 5.3K
                                    

Chelsea POV

"What about us?" Puno ng hinanakit yung boses ko habang sinasabi yan kay Kyle.

Ano pabang 'US' eh wala na nga. Sinayang niya lang yung pagmamahal ko sa kaniya.

"Alam ko na lahat.."

Alam na nya lahat? Ibig sabihin..

"Sinabi na lahat sakin ni Adrian. He even showed me the evidences." Patuloy niya.

Bakit di man lang sinabi sakin ni Adrian na sinabi na nya kay Kyle? Nag-decide na nga sana ako na kahit di na sabihin kay Kyle dahil balewala na din naman. Hindi naman na nya ko mahal. Isa pa, manhid na'ko at sawa na'kong mahalin siya.

"So?" Pinilit kong magiging matatag.

Napansin ko yung paglambot ng ekspresiyon ng mukha ni Kyle. Pero hindi nya ko madadala sa mga ganyan nya.

"I'm sorry. I'm really sorry baby ko.."

Baby ko? Again?

Napailing nalang ako. "Ano bang tingin mo sa'kin, laruan? Tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng 'baby ko' dahil hindi ako natutuwa."

"Baby ko. Sorry. Nagsisisi ako na hindi ako naniwala sayo. Miss na miss na kita. Please, tayo na ulit. Okay na tayo. Naniniwala na ako ngayon sayo." He said sincerely.

"Sorry din Kyle pero tapos na'ko dyan. Masyado na'kong napagod sa pagmamahal sa'yo kaya hangga't maaari ayokong makakaharap ka. Umalis ka na. Wala ng dapat pang ibalik dahil wala na talaga tayo. Isa pa, hindi mo na'ko mahal diba? Para saan pa?"

"No. No baby ko. I love you. I love you so much."

The nerve of this guy. Umiinit na naman ulo ko. "Pwede ba Kyle? Tama na! Utang na loob! Pagod na pagod na'kong mahalin ka! Minahal kita ng totoo pero anong napala ko? Nasaktan lang ako. Shit lang Kyle naaawa ka lang sakin kaya ka ganyan dahil nalaman mo na ang totoo!"

I started crying. Diko na mapigilan. Naiinis ako. Nabubwisit ako kay Kyle. Bakit nya ko ginaganito?

Naramdaman ko yung pagyakap nya sakin pero nagpumiglas ako. "Don't even dare to touch me." Matigas na sabi ko saka lumayo ng kaunti sa kaniya.

"Nobody.."

"Please lang Kyle. Ang laki ng hinanakit ko sa'yo, alam mo ba yun? Kaya kung pwede sana, tama na. Tama na kyle."

"No. I can't. Mahal na mahal kita. Please hayaan mo akong bumawi sayo. Papatunayan ko sa'yo kung gaano kita kamahal. I'm willing to do everything."

Sorry nalang Kyle. Huli na ang lahat. Hindi na kita kayang pagbigyan. Bato na nga yata ang puso ko ngayon. Masyado na'kong na-manhid.

"Natatandaan mo ba nung hinabol kita sa airport? Nagmakaawa ako sayo na wag mokong iwan. Na maniwala ka sakin pero anong ginawa mo? Binalewala mo ako Kyle! Wala kang awa Kyle. Wala. Ang sakit sakit dito oh. Sobra."

Umiiyak pa din ako. Ang sakit kasi talaga eh.

"Sorry.."

"What is sorry if the damage is done Kyle? Huli na Kyle. Sinisimulan ko ng kalimutan ka kaya hangga't maari wag mo na'kong kakausapin pa." Pakiusap ko. Ang sakit sakit.

"No. Hindi ko gagawin yun. You love me. Tatangapin mo ulit ako. Bibigyan mo ako ulit ng chance right?"

Lalo akong naiyak ng makita kong may luha ng umaagos mula s amga mata ni Kyle. Hindi ko akalaing iiyak sya sa harap ko.

"Nakaya mo nga ng isang taon na tiisin ako diba? Ngayon pa ba Kyle?"

Niyakap nya ko ulit pero tinutulak ko siya. "Lahat ng tao may limitasyon Kyle. Sagad na sagad na yung sakit na pinaramdam sakin eh. Okay na yun Kyle. Tama na yun."

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon