Chapter 50 ♥ Sh*t

547K 9.3K 1.7K
                                    

Chelsea POV

 

Andito na kami sa SWU. Walang klase kasi ngayon yung game nina Kyle. Kalaban nila yung Lions na kabilang school. Mayayamang student din dun.

"Baby ko, wag ka hihiwalay kina Janna. Kelangan nako sa locker. May nakareserve ng upuan sa inyo dun sa harap. Sa may bench namin. I love you. Alis nako." Paalam sakin ni Kyle saka nya ako hinalikan sa lips ng smack lang.

Ayun umalis na.

Andito kami sa may lobby ng SWU. Kasama ko sina Janna at Yumiko. Syempre lalaro mga partners namin. Haha. Sabi ni gummy bear bawal daw ako magcheer. Bawal daw ako magsisigaw.

-___-

Kailangan ko daw ingatan baby namin.

Krrriiinnnggg..

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ko yung ringtone ng phone ko.

Tita Yolly calling..

O_o

Oo nga pala. May usapan nga pala kami. "Wait lang." Sabi ko kina Janna saka lumayo muna ng konti sa kanila.

"Hello Tita?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

[Chelsea, andito ako sa may coffee shop sa labas ng SWU. Pwede ka naba makausap kahit sandali lang?]

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon