---The Locket 8

2.7K 70 50
                                    

Daniel's POV



"DJ!!!"
Napatingin ako sa isang babaeng tumatawag sakin..Pero di ko maaninag ang mukha niya kasi sobrang liwanag ng paligid..

"DJ!! Dito, dali!!!" kumakaway siya sakin tapos tumakbo palayo...yung boses ng babae parang narinig ko na kung saan......

Tumakbo din ako at sinundan ko siya...Nakarating ako isang lugar.....Pero wala na yung babae.. Ang ganda ng lugar na to..Pamilyar ang lugar, parang nakapunta na ako dito ng ilang beses. May nakita akong puno sa di kalayuan.. Lumapit ako sa puno at naupo sa damuhan.

Maya-maya ay may napansin akong lalaking nakatayo sa di kalayuan....Teka......yung mukha niya...parang ako....OO ako nga siya.....Tumayo ako para lapitan siya pero bigla siyang tumakbo..

"Prinsesa asan ka na?"sigaw nung lalaki...teka??Prinsesa???

"DJ....Andito ako..." Nakita ko na naman yung babae pero di ko pa rin maaninag yung mukha niya..Tumakbo yung lalaki kung nasaan ang babae....naghahabulan sila...

Naglakad ako palapit sa kanila pero biglang may mga lalaking dumating at biglang hinawakan ang lalaki..

"DJ!!!" sigaw nung babae...lalapit sana ang babae dun sa lalaki pero bigla na lang siyang kinuha nung ibang kalalakihan at inilayo...

"Prinsesa!!!" sigaw nung lalaki..

"DJ!!!" Sigaw nung babae hanggang sa tuluyan na siyang nawala...

Lalapitan ko na sana ang lalaki pero may isang mukha ang kumuha nang atensyon ko....

"Diego???" nagising ako....hinahabol ko ang hininga ko...Pakiramdam ko nanlalamig ako...Pawis na pawis ako..

Anong ibig sabihin ng panaginip ko? Sino yung babae? at bakit andun si Diego? Ba't pakiramdam ko nangyari na yun..Kinakabahan ako..Diego? Ano ba talagang alam mo? May tinatago ka ba sakin? Kung meron bakit di mo sinasabi sakin?

Ano ba talaga ang nakaraan ko? Alam kong may mali...Alam kong may di sila sinasabi sakin. Kung di man nila kayang sabihin.......

Ako na ang gagawa nang paraan para malaman yun....

_____________________________________________________________________________

End of Chapter 8

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Locket (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon