---The Locket 5

2.3K 43 3
                                    

Daniel's POV

Naging maganda ang araw ko kanina kasi naka-usap ko na ang babaeng matagal ko nang gustong makita at makausap. Kahit konti lang napag-usapan namin ay okay lang kasi nakasama ko naman siya kahit sa konting oras lang. Sasabayan ko sana siya sa pag-uwi pero sabi nia may susundo daw sa kanya kaya di ko lang siya kinulit baka mailang pa siya sakin.

Andito ako ngayon sa kwarto ko hinahanap ang locket..Hinanap ko na sa ilalim ng kama ko baka nalaglag lang, sa banyo dito sa kwarto ko, sa cabinet ko, sa study table ko... Ilang ulit na kong paikot ikot sa kwarto ko ngunit hanggang ngayon di ko pa rin makita..

Nahiga na lang ako sa kama ko at nag-isip. Hay imposible namang mawala yun ng ganun ganun na lang. Ako lang naman at si mama ang nakakapasok sa kwarto ko. Pero di rin naman daw alam ni mama kung nasaan. Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni mama baka nakita na niya at niligpit. Bubuksan ko na sana ang kwarto ni mama pero nakalocked. Bakit kaya nilolock ni mama to? Kami lang naman dalawa ang nasa bahay ah.

Di ako nakakapasok sa kwarto ni mama kung wala siya. Naisipan kong kunin ang susi sa kwarto ni mama sa cabinet sa baba. Papanik na ulit ako nang sakto naman dumating siya.

"Hi ma, mano po!" bati ko sa kanya

"Hi anak! kumusta ang bago mong school, okay naman ba?" masayang bati sakin ni mama sabay halik sa pisngi ko..

"Okay naman ma. Sa totoo nga niyan masaya ako kasi nakita ko na siya!"

Nakita kong nag-iba ang expression sa mukha ni mama ng may halong pagtataka... "Sinong nakita mo anak?"

"Si K po..Kathryn pala pangalan nia..Classmate ko nga po siya. Hinahanap ko nga po yung locket para tanungin sa kanya kung bakit andun picture ko..Eto nga po susi sa kwarto mo baka kasi nakita mo na at nailigpit sa kwarto mo.." Dali dali namang kinuha ni mama ang susi sa kamay ko...Bakit kaya? Bakit ayaw niyang pumapasok ako sa kwarto nia?

"Di ko pa nakita anak kaya di mo na kelangan pumasok sa kwarto ko, hayaan mo kung makita ko ang locket ay ibibigay ko agad sayo." kinakabahang sabi ni mama. Kahit hindi nia sabihing kinakahaban siya alam ko yung tono sa pagsasalita nia. May tinatago kaya sakin ni mama? Hay guni-guni ko lang siguro to. Bakit naman may itatago siya sakin?

"Ah sige ma papanik na lang po ako.."

"Mabuti pa anak at magluluto muna ako.." pagkasabi ni mama nun ay pumanik na rin siya sa kwarto nia para magbihis.

Pumanik na lang ako at napag-isipan na magfacebook para hanapin ang account ni Kath.

Sinearch ko naman ang name nia at agad ko namang nakita....Inadd ko na rin siya as a friend.. Di naman nakaprivate ang account nia kaya nakakabrowse pa rin ako...Eto yung status nia...

"Nung nakita kita ulit gustong gusto kong yakapin ka pero alam kung di na maaari..." 

Hmmm...para kaya kanino tong status nia..may boyfriend na kaya siya at nagbreak sila kaya di na nia maaaring yakapin? Tanungin ko na lang kaya siya bukas? Pero baka isipin nia pakialamero ako.. Ah basta..kakausapin ko na lang siya bukas..

Konti lang naman pictures sa profile nia kaya madali lang akong natapos magbrowse..Pinatay ko na lang laptop ko at nagpahinga na lang muna....

____________________________________________________________________________

Karla's POV (Mama ni DJ)

Agad agad akong pumanik sa kwarto ko at kinuha ang isang box. Di dapat makita ni DJ to.

"Alam kong mali ang ginagawa ko DJ pero gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo..Patawarin mo ko anak kung ilang beses man akong nagsinungaling sayo tungkol sa kanya...Natatakot lang akong mapahamak ka ulit..Tama na ang minsang muntik ka nang mawala sakin..."

_______________________________________________________________________________

End of Chapter

Asan na kaya ang locket ni DJ???At ano kaya ang ibig sabihin ng mama nia? Sino nga ba si Kath sa nakaraan ni DJ? At bakit nga ba napahamak si DJ? Sorry kung hindi mahaba ang update guys at wala pang KV moments... Sana subaybayan nyo pa rin ang The Locket...Salamat sa mga readers at naglagay ng The Locket sa libraries nila..Thank you! :)

The Locket (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon