---The Locket 3

2.5K 47 2
                                    

Daniel POV

Unang araw pa lang ng klase, wala pa masyadong teacher ang pumasok kaya maaga akong nakauwi sa bahay..

Pagkarating ko sa bahay, ay wala pa si mama siguro na sa laundry shop na naman yun. Laundry shop kasi ang iniwang negosyo ni papa. Tatlong empleyado lang ang tumutulong sa kanya kaya kelangan din niyang pumalagi sa shop. Baka maya maya andito na rin yun.

Paakyat na ako ng kwarto ko nang bigla ko naman naalala si K. Hay.. Ano ba kasing meron sa babaeng yun? Pinipilit ko siyang matandaan pero di ko kaya.. Ni hindi ko nga rin matandaan ang ibang detalye ng nakaraan ko maliban sa mga nakwento sa kin ni mama.

Flashback

Nagising ako nun sa puting kwarto. Nasa hospital ba ako? Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Ginalaw ko ang katawan ko..

"Aaah.." napailing na lang ako..ang bigat ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko.

Umupo na lang at sumandal sa headboard ng kama nang bumakas ang pinto...May nakita akong babae na nasa 40 years old.. Tiningnan ko siya na parang nagtataka kung sino siya...

"Oh anak gising ka na pala.." Anak? Mama ko siya? Ba't di ko man lang siya matandaan?

"Sino po ba kayo?Bakit niyo po ako tinawag ng anak?" tanong ko sa kanya..

Lumapit siya sa kin at umupo sa tabi ko..hinawakan niya ang kanang kamay ko..."Anak, ako to mama mo. Alam mo ba anak, alalang alala ako sa yo....akala ko kung napanu ka na...Di ko talaga alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sayo.." sabi niya ng naiiyak..

"Ang sabi ng doctor, na-apektuhan ang memorya mo ng dahil sa aksidente.." Aksidente? Anong ibig niyang sabihin?

"Aksidente po? Ano po bang nangyari?" tanong ko kay mama na naguguluhan.

"Anak, pauwi ka na nun ng masagasaan ka ng isang kotse. Di naman malakas ang pagkakabangga sayo pero nabagok ang ulo mo sa semento kaya ngayon naapektuhan ang memorya mo.." paliwanag sakin ni mama...

Si mama at si Diego lang ang natatandaan ko. Sila lang din kasi ang nagpakilala sakin. Ang iba wala na akong alam. Si Diego ay pinakilala sakin ni mama na best friend ko.

Kwinento sakin nun ni Diego ang mga masasayang memorya ko noon pero minsan bigla na lang siyang hihinto at malulungkot. Siguro nahihirapan ang bestfriend ko sa kalagayan ko nun. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi di nia pa rin ako pinabayaan.

Tatlong buwan matapos ang aksidente nun ng makita ko si K sa park. Pagkauwi ko nun ay agad-agad kung pinakita kay mama ang locket. Nagulat siya nun...pero maya maya ay ngumiti na rin siya...at binuksan ang locket..

"Ma, sino po ba tong babae sa locket? Bakit po andito ang picture ko sa locket nia? Kaibigan ko po ba siya ma?" tanong ko kay mama pero bigla naman akong nalungkot sa sagot nia...

"Di ko siya kilala anak eh...Ngayon ko pa lang nakita ang locket at picture ng babaeng to..Baka nga kaibigan mo noon anak pero di mo lang pinakilala sakin.." Sagot ni mama at binalik na sakin ang locket.

"Ah ganun po ba? Sige ma salamat.." Siguro nga di talaga siya kilala ni mama. Tinago ko na nun ang locket sa isang box at nilagay sa cabinet ko..

Tinanong ko rin si Diego nun pero di rin daw nia kilala...Hay, ano ba kasi meron kami nung babaeng yun?

End of flashback

Nag-iisip pa rin ako ng naalala ko ang locket...

"Tama ang locket!!! Kelangan kong tanungin si K tungkol dun..." Dali-dali ko namang binuksan ang cabinet ko at kinuha ang box..pero pagbukas ko sa box ay...

wala na ang locket.. Andito lang yun ha? Hay baka nailagay ko lang yung kung saan. Tama! nung isang araw nilabas ko yun....pero san ko na ba nalagay yun? Nag-iisip pa rin ako ng may narinig akong ingay sa baba...

Siguro nakauwi na si Mama..Dali-dali naman akong bumaba...Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mamang nag-aayos ng lulutuin nia....

"Oh anak, gutom ka na ba? Teka lang at magluluto muna ako..." mama

"Ah di pa po ako gutom ma....tatanungin ko lang po sana kung nakita niyo po ba yung locket?? Dito ko lang kasi yun sa box nilagay eh.."

"Naku anak, di ko nakita eh...baka andun lang yun sa kwarto mo...Hanapin mo na lang..."

"Ah sige ma, salamat...akyat na po muna ako sa kwarto.." Pagkasabi ko nun ay ngumiti na lang si mama....Tumalikod naman ako at umakyat na sa kwarto...

Hinanap ko sa kwarto ko pero wala.....Hay kelangan ko yun mahanap...Baka mamaya kong tatanungin ko si K di yun maniniwala kasi di ko maipakita sa kanya ang locket...Ba't ba napakamisteryoso ng babaeng yun? Kelangan kong malaman kung ano ba ang papel niya sa nakaraan ko???

______________________________________________________________________________

End of Chapter 3

The Locket (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon