---The Locket 6

2.1K 41 5
                                    

Diego's POV

Maaga akong pumasok ngayon para kausapin si Kathryn. Patungo na ako sa room nang makita ko siya sa may hallway naglalakad..Tumakbo naman ako palapit sa kanya..at tinawag siya

"Kath!" Lumingon naman siya sakin at nakita kong nainis siya nung nakita ako..

"Kath, mag-usap tayo.."

"Wala na tayong dapat pag-usapan Diego.." naiiritang sabi nia sakin..

"Kath, kahit sandali lang......para kay DJ..."

"Para sa kanya??? O para sa sarili mo?" 

"Kath, pinagsisihan ko na ang lahat...please kath makinig ka naman..kahit sandali lang.." Tumango naman siya...Pumunta kami sa park ng school. Wala pa kasi masyadong tao dito kasi maaga pa..Kaya walang makakarinig kung mag-uusap man kami..

Naupo naman kami sa isang bench...

"Kumusta ka na?" sabi ko sa kanya habang nakayuko

"Eto pinagdudusahan ang mga ginawa mo..." tinignan ko naman siya ang lungkot ng mukha nia..

"Kath, patawarin mo ko...Alam ko malaki ang kasalanan ko sayo...sa inyo ni DJ.." nagbuntong hininga ako...

"Pero Kath maniwala ka...matagal ko nang pinagsisihan yun..naghihintay lang ako ng tamang panahon para sabihin kina tita ang lahat..."

"Isang taon na Diego..." sabi nia sabay tingin sakin.. "Isang taon na ang nakakalipas tapos sasabihin mo sakin ngayon naghihintay ka pa rin ng tamang panahon para itama ang lahat?" galit na siya at naiiyak

"Diego di mo alam ang pinagdaanan ko sa loob ng isang taon..Inilayo ako ng mga magulang ko dito..Inalayo nila ako sa taong mahal ko dahil sa pagiging makasarili mo.." Humihikbi na si Kath. Di ko kayang makita siyang ganito..."Kung pinabayaan mo lang kami nun siguro hanggang ngayon masaya pa rin ako...kami ni DJ.."

"Kath, nagawa ko yun kasi mahal kita..." naiyak na rin ako...

"Sa tuwing nakikita ko kayo ni DJ nun nasasaktan ako...Nagagalit ako sa sarili ko kasi sa dami-daming taong pwede kung mahalin...ikaw pa....

Ikaw pa na mahal ng best friend ko..."

"Pinagkatiwalaan ka namin ni DJ...pero sinira mo yun Dieg.." mahinahong sabi nia sabay punas ng mga luha nia.. Hinawakan ko ang kamay nia pero nilayo lang nia ito..

"Kath patawarin mo ko.." seryosong sabi ko sa kanya

"Ayusin mo muna ang lahat Dieg...saka ko pag-iisipan kung papatawarin pa ba kita..." sabi nia, tumayo at iniwan na ako...

___________________________________________________________________________

Kath's POV

Tumakbo ako palayo...Kasi di ko na kayang makinig sa kanya...Alam kong matagal na yun pero di ko pa rin siya kayang patawarin..

Naglalakad ako papunta sa rooftop ng makasalubong ko si DJ...

"Kath, umiyak ka ba?"

"Ahm..Hi-hindi...napuwing lang ako..."

"Sigurado ka ba?"

"OO naman.."

"Teka, saan ka pupunta? Magsisimula na yung klase natin ah.."

"A-ano kasi..masama pakiramdam ko kaya magpapahangin lang ako sandali.."

"Gusto mo samahan na kita?" Oo DJ.. Gustong gusto ko...

"N-naku hindi na...kaya ko na naman eh.."

"Please Kath..." sabi nia na nakapuppy eyes pa na parang bata...dahil dun napangiti naman ako..DJ ikaw pa rin nagpapangiti sakin pag malungkot ako..wala na akong magawa kaya pumayag na ako...

___________________________________________________________________________

Daniel's POV

Andito kami ngayon sa rooftop ni Kath..Di kami pumasok sa klase...nakaupo lang kami sa sahig..Nakasandal siya ngayon sa dingding habang nakapikit..Tinignan ko lang siya habang nililipad ng hangin ang buhok nia..Kath sana lagi na lang kitang makasama gaya nito...

Dumilat naman siya sabay tingin sakin at ngumiti...

"Baka matunaw ako nyan.." ngumiti na lang ako sa sinabi nia at tumingin sa malayo

"Kath, nagmahal ka na ba?"

"Ha? Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang..Paano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao?" tanong ko sa kanya at tinignan ko siya...Ngumiti siya...Umiwas siya ng tingin at tumingin sa malayo..

"OO DJ naranasan ko ng magmahal.." sabi nia at nagbuntong hininga..tinignan ko lang siya habang nagsasalita...

"Ang sarap sarap ng feeling pagnagmahal ka lalo na kung taong mahal mo mahal ka din nia..Yung pareho kayong masaya kahit sa mga simpleng bagay lang..Yung kaya mong gawin ang lahat para sa kanya..Yung siya ang nagbibigay sayo nang lakas sa tuwing malungkot ka...Yung kaya mong harapin ang bukas kasi alam mong andyan siya..." Nakita ko namang may tumulong luha sa mata ni Kath. Maya-maya ay tinakpan na niya ang mukha nia at nagsimula ng umiyak..

"Kath" Lumapit ako sa kanya at nilagay ang ulo nia sa dibdib ko at niyakap siya...

"Kath, sorry kung nagtanong pa ako sayo...Pero andito lang ako...Kung kelangan mo ng taong makikinig sa mga problema mo..."

Maya-maya ay tumahan naman siya at pinunasan ang mga luha nia..May kinuha naman ako sa bulsa ko at ibinigay sa kanya...

"Kendi oh para di ka na umiyak..." ngumiti naman siya at kinuha ang kendi...

"Salamat Dj........

di ka pa rin nagbabago..."

Ano daw? Di pa rin ako nagbabago?

_____________________________________________________________________________

End of Chapter 6

The Locket (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon