---The Locket 1

3.2K 57 3
                                    

 Daniel POV

Andito ako ngayon sa park kung san ko siya unang nakita. Siya na di ko man lang alam ang pangalan niya. Isang taon na ang nakakalipas ngunit di ko pa rin siya maalis sa isip ko.

Umupo ako sa isang bench na di kalayuan sa fountain na nasa gitna ng park. Dito siya umupo nun nung araw na nakita ko siya. Tumingin ako sa paligid habang inaalala ang nangyari isang taon na ang nakakaraan.

Flashback

Kakalabas ko lang sa coffee shop na nasa park nun, dala-dala ang cake na inutos sa akin ni mama. Gusto niya daw kasing kumain ng matamis kaya tinext niya ako na dumaan ng coffee shop para bilhan siya ng cake pagkagaling ko sa eskwela.

Habang naglalakad ako pauwi nun ay napadaan ako sa gitna ng park kung nasaan ang fountain. Mag gagabi na nun kaya wala ng masyadong tao sa park. Wala ng mga batang naglalaro at ang mga naroon na lamang ay mga magkasintahang nag-uusap. 

Naglalakad ako nun sa park ng may napansin akong babae sa di kalayuan. Nag-iisa lang siya. Nakaupo dun na parang may iniisip. Di ko maaninag ang mukha niya kaya naglakad pa ako papalapit sa kanya. Maya-maya ay bigla na lang niyang tinakpan ang mukha niya gamit ang mga kamay nia.

"Umiiyak kaya xa?"

Papalapit na ako sa kanya ng marinig ko siyang humihikbi. Di ko alam pero bigla na lang akong naging concern sa kanya.  Napahinto ako at pumitas ng dilaw na bulaklak sa tabi ko. Pagkapitas ko nun ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya.

"Miss, bulaklak oh para di ka na umiyak." sabi ko sabay luhod sa harapan niya at iniabot sa kanya ang bulaklak.

Huminto siya sa pag-iyak at unti-unting tinanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at tiningnan ako na parang gulat sa kanyang nakita. At ako?

eto........tulala sa harap nia.

Sino ba naman ang di matutulala? Napakaganda niya. Ang amo ng kanyang mukha na parang mukha ng isang anghel. Morena siya pero lumilitaw pa rin ang angkin niyang ganda. Matangos ang ilong niya at ang mga labi niya ay parang nang-aakit sa akin na halikan siya. Unang kita ko pa lang sa kanya ay nabighani na ako sa kanya.

Tulala pa rin ako ng kinuha niya ang bulaklak at nagsalita....

"S-s-s..Salamat!..." bakit siya nauutal? pagkasabi niya nun ay bigla siyang tumayo at tumakbo palayo...at saka ako natauhan.

"Miss!..." tawag ko sa kanya pero di siya lumingon.

"Hay, di ko man lang natanong ang pangalan niya.."

Paalis na sana ako nun ng may natapakan ako..

Isang locket...Siguro sa kanya to, nilingon ko siya pero di ko na siya makita...

Kinuha ko ang locket...heart-shaped siya at may naka-embed na letter K...binuksan ko ang locket at laking gulat ko ng nakita ko ang picture nia at.............

Picture ko???

End of Flashback

>>>>> sa side yung locket na nakita ni DJ...

______________________________________________________________________________

End of Chapter 1

 Pasensya guys kasi first time ko pa lang gumawa ng fan fic. Okay ba? Sana magustuhan niyo to at ang susunod pang chapters.

The Locket (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon