Chapter-34

12.9K 439 76
                                    

Alexa

Matapos ang ilang ikot namin ni Jessey sa hall ay medyo nakalimutan ko na rin ang ginawa ni Blue habang bumabyahe kami. Ayaw ko lang siyang kibuin dahil sumama ang loob ko sa kanya and I need space para lumamig ang ulo ko kaya nagfocus ako sa mga sinasabi ni Jessey. Kahit naiilang ako sa hapit at akbay niya sa 'kin ay hinayaan ko na lang, baka kasi hindi kami magkarinigan kapag medyo lumayo siya sa 'kin, dinayo kasi ng ibang mga artist ang exhibit na 'to at baka makagulo ang ingay namin sa pag-iisip at diskusyon nila.

Nang makasalubong namin si Lei ay nag-usap muna sila saglit ni Jessey, nagtataka ako bakit hindi niya kasama sila Stella kaya lumapit ako sa kanya para magtanong. 

"Excuse me Lei, si Blue?"

"Ah.. nakita ko lumabas eh. Papuntang butterfly garden" kakamot-kamot siya ng ulo, parang hindi sure sa sinabi niya. Ako naman ay nagtungo sa pinto ng butterfly garden. Ilang metro pa lang ay hindi ko na tinuloy ang paglakad ko, hindi naman sinabi ni Lei na nakikipagdate pala si Blue kay Stella. Sa sakit ng damdamin ko dahil nakahilig sila sa isa't-isa ay nagmadali akong maglakad pabalik kila Jessey. Nang makapasok silang dalawa at makalapit sa 'min ay hindi ko siya matingnan, actually silang dalawa. Nagulat na lang ako nang sinabi niyang uuwi na siya, bago siya lumingon ay nahagip pa ng mata ako ang lungkot sa mukha niya. Siguro ay sinuyo niya na naman si Stella at binigo na naman siya nito.

Ilang saglit pa'y tinawag na ang lahat para pumunta sa harap ng stage para sa speech ng artist na tita ni Jessey. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag-isip kay Stella, pa'no niya nagagawang baliwalain ang sobrang pinapakitang pagmamahal sa kanya ni Blue? Nakukulangan ba siya sa efforts nito?
Napabuntong hininga na lang ako sa pagkainsecure ko rito, kung ako nga hirap na hirap kunin ang lahat ng atensyon ni Blue pero sa kanya ay effortless itong ibinibigay nung isa.

Napabalik na lang ako sa sarili nang sikuhin ako ni Jessey, telling me to clap my hands dahil andyan na ang hinihintay ng lahat.

Buong speech ay wala ako sa sarili, nag-iisip ako kung saan siya maaaring pumunta, mabilis ba siyang magmaneho o baka maglalasing na naman siya mamayang gabi... don't ruin your day Alexa! Sabi ng isip ko pero hindi ko maiwasan mag-isip ng kung anong bagay na makakasira ng araw ko.

"Are you okay?" Jessey snapped, I just smiled as a responce. "Alexa, sold na 'yong gusto mong painting"

"How?" nagtataka kong tanong, gusto ko sana 'yong iregalo sa birthday ni Blue sa susunod na taon.

"I don't know, may mark na kasi" tinanguan ko na lang siya kahit nasasayang ako sa painting na 'yon. Connected kasi ang painting na iyon sa pagiging architect and I think Blue will like it.

Ilang saglit lang ay nag-aya ng lumabas si Jessey, hindi na sumama sila Stella at Lei dahil pareho silang may dadaluhang party pagkatapos ng exhibit.

"Okay lang ba kung may kasama tayong kumain? May imimeet kasi akong friend na interesado sa unit ko, hindi ko na kasi nagagamit eh" alangan akong tiningnan ni Jesse and I found it cute kaya ginulo ang buhok niya at ngumiti. Sa isip ko pa ay okay lang dahil parang hindi ko muna kayang makipagkwentuhan ngayon, kung pwede lang ay umuwi na ako pero hindi ko naman siya matanggihan dahil napapagaan niya ang pakiramdam ko.

"So may balak ka pa bang mag-enroll ngayon?" tanong niya sa 'kin habang nagmamaneho ng kotse niya. Tumanggi kasi akong sumakay sa motor niya dahil baka pagalitan ako ni Blue kapag nalaman niya. Feeler mo 'te!

"Yeah, past time" sa tutuusin kasi ay hindi ko na rin naman kailangan mag-aral pero gusto ko para makasama si Blue kahit minsan.

"Why won't you just travel as past time, mas masaya 'yon and pwede kitang samahan" she looked at me sa rearview mirror at ngumiti.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now