Chapter-44

10.1K 345 112
                                    

Alexa

Gabi na at hindi pa rin kami nakakauwi ni Blue, mapula na rin ang mukha niya dahil kanina pa siya nakikipag-inuman sa mga tao rito sa dinedevelop na resort nila.

Sa kakaisip ko kung makakauwi ba kami ngayon ay hindi ko namalayang nakalapit na siya sa 'kin, amoy ko pa ang singaw ng alak nang tumingin ako sa kanya. "Inom ka muna" pag-aaya niya ngunit tumanggi ako at sumandal ng maayos sa kinauupuan ko't pumikit dahil sa antok. "Ang ganda mo talaga" rinig kong wika niya at bigla naman akong naconscious dahil ramdam kong tinititigan niya ako.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Inaantok na ako" sa tingin ko kasi ay alas nuebe na ng gabi, malamok na rin kaya mas lalo akong naiirita maliban sa pagmumukha niya.

"Tara na" tumayo siya't pumunta sa harap ko at inilahad ang palad. Nadismaya naman siya nang hindi ko kunin iyo at tumayo't naglakad ptungong owner jeep niya.

"Saan ka pupunta?" Habol niya sa 'kin na ikinataka ko. "Do'n sa kotse" I stated and heard her chuckled.

"Doon tayo matutulog" wala sa loob na sinundan ko ang tinuturo niya at nakita ang isang villa na malayo sa pwesto namin, bukas na ang ilaw niyon at mukhang malaki pa. "Tara" hinila na niya 'ko para lumakad at nang makahanap ng tyempo ay inialis ko rin ang kamay ko na hawak niya. "Love naman, malapit na yung pasko hindi mo pa rin ako napapatawad" malungkot niyang wika pero imbes na maawa ay nainis ako lalo.

"Bakit, ano bang mayroon sa pasko?" malamig kong tugon, kung sakaling hindi ako makabalik sa 'min ay first time ko 'tong magpapasko na hindi kasama ang pamilya ko.

"Love and forgiveness?" balik tanong nito that made me roll my eyes.

"Tantanan mo nga ako sa mga hirit mo" nang mabuksan ko ang pinto ay agad akong pumasok sa loob ng villa. Iisang kama lang ang nasa loob, maluwang, good for three people yata ang kwartong ito.

Nang makahiga ako sa kama ay niyakap ko agad ang unan nito, si Blue naman ay pumasok sa loob ng cr at nang makabalik siya ay iba na ang suot niya.

"Maligo ka muna, ang lagkit mo eh" napaawang ng kaunti ang bibig ko sa sinabi niya't napahawak sa braso ko, ang lagkit ko nga. Dali-dali akong tumayo sa at pumasok rin sa banyo para maligo. I made sure na nakalock din ng doorknob dahil nang matapos niya akong muntik mapagsamantalahan ay medyo natatakot na ako sa mga ikinikilos niya, lalo na't dalawa na lang kami ngayon. Paano kung ulitin niya iyon, edi wala nang tutulong sa 'kin.

Sa pagkakayakap ko sa katawan ko ay hindi ko namalayang may kumakatok na sa pinto. Agad akong nag-ayos ng sarili at binuksan na rin ang pinto. Hindi ko na tinuyo ang buhok ko at agad na sumampa sa kama. Nagulat pa ako nang binuksan niya ng aircon, wala naman akong nakikitang mga poste mg kuryente sa lugar na 'to kaya tumingin ako sa kanya na nagtataka.

"Yung bubong nito may solar" tumango naman ako saka tumalikod nang humiga rin siya sa kama, nagulat pa ako nang pumasok siya sa loob ng kumot ko at yumakap mula sa likod ko. "Blue, ano ba?" Piksi ko nang simulan niya kong halikan sa batok na nakapagpataas ng balahibo ko. Nakakanginig sa kaba.

"Miss na miss na kita" sabi pa nito na nakapagpanginig sa 'kin lalo. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko nang ibaba niya hanggang balikat ko ang tank top na suot ko kasama ang strap ng bra ko.

"Blue please, stop" garalgal kong sabi at saka lang narealized na lumuluha na 'ko sa takot. Rinig ko pang napamura siya nang bigla siyang umupo para iayos ako mg higa. Hindi ako makatingin sa kanya habang tinititigan niya ako. Hindi ko tuloy alam kung anong pumapasok sa isip niya, kung titigil na ba siya or ipagpapatuloy niya pa.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now