Chapter-21

13.6K 362 18
                                    

Alexa

So ito pala yung feeling kapag nalalapit na yung deadline at hindi mo pa nagagawa yung lahat ng dapat mong gawin. It feels like time is running so fast, na hindi mo alam kung anong uunahin mo. Kasiyahan mo ba or yung bagay na hindi mo pa nagagawa.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko matapos hubarin ang kulay silver na long gown para sa final fitting ng isusuot ko sa engagement party namin na supposedly ay ngayong week kaya lang ay nagkaproblema naman sa place dahil masyadong malayo raw para sa mga bisita. Humarap ako sa salamin at pinakatitigan ang katawan kong nababalot ng isang pirasong tela sa pang-ibaba ko.

As I stare at my body, naisip kong may nagmamay-ari na rito. Pagmamay-ari ng isang taong hindi naman alam na kan'ya ito. Na ang lahat-lahat ng akin ay kan'ya, including my heart and soul. At habangbuhay ay hindi niya malalaman ang lahat ng iyon.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay nagbihis na 'ko at lumabas ng kwartong pinagbihisan ko. Nakangiting si mama ang bumungad sa 'kin at yumakap. "Ayos na ba sa iyo ang napili ko?" tanong niya pa nang maghiwalay kami.

I forced a smile and nagthumbs up sa kan'ya. Pinapakitang gustong-gusto ko ang isusuot ko sa nalalapit na okasyon.

"Sige anak maupo ka muna d'yan at kakausapin ko lang tita mo" tumango na lang ako sa kan'ya saka umupo sa sofa. Ilang minuto nang umalis si mama sa harap ko ay heto pa rin ako, malalim ang iniisip. Isang tanong kasi ang hindi maalis sa isip ko, pa'no kung mag-iba na ang turing sa 'kin ni Blue kapag officially engage na kami ng kuya niya?

Nangangambang tumingin ako sa inaayos na gown ko. It looks so elegant and I'm comfortable to wear it but i'm not happy. Marahil ay susuotin ko lang kasi ito sa okasyong wala namang halaga sa 'kin. Naisip ko tuloy na I'll savor the moment na lang habang wala pa ang kinatatakutan ko sa ngayon.

"Let's go na anak" aya sa 'kin ni mama. Lumabas na kami sa shop ng kapatid ni Mama at agad na dumiretso sa sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa bag. Nag-aalangan pa akong sagutin ito dahil nagtatampo ako sa kan'ya. Isang linggo na kasi siyang walang paramdam, ni sa school ay hindi ko siya mahagilap.

Natapos ang isa, pangalawa, pangatlo at pang-apat na tawag ay hindi ko ito sinagot. Hindi lang naman kasi dahil nagtatampo ako, nasa tabi ko kasi si mama. Buti rin at tumigil na siya kakatawag pero makailang minuto lang ay may nareceive akong text message galing sa kan'ya.

"I'll call you again later. You better answer it, woman!"

I started tapping on my phone, composing a text message at nang matapos ay sinend ko sa kanya.

"later, baby" nagtatampo daw... asar sa 'kin ng sarili ko. Ginawa ko lang naman yun dahil baka sigawan niya 'ko mamaya kapag tumawag siya. At teka nga... ano bang kailangan ng batang yun?

"Sino bang tumatawag sa 'yo?" biglang tanong ni mama. Pati tuloy utak ko ay nabigla rin at hindi ko alam kung sasabihin ko sa kan'ya ang totoo. Baka kasi magtanong siya ng kung anu-ano.

"S-si Blue po" nauutal kong pag amin, hindi naman kasi ako sanay magsinungaling sa kanila ni papa.

"Eh bakit hindi mo sinagot?" usisa niya pa. Umayos rin siya ng upo at naramdaman kong ipinukaw niya ang paningin sa akin, dahilan para kabahan ako nang wala sa oras.

Nagpakawala ako ng hangin sa loob ko bago sumagot. "I'm not in the mood to talk to someone right now" simpleng sagot ko.

"Napapansin kong close na close kayo ng batang iyon" nahihimigan kong hindi magiging maganda ang pag-uusap namin pero wala naman akong magagawa kundi sumagot sa anumang itatanong niya.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now