Fall#35. Shocked

2.8K 50 8
                                    

Casanova’s Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#35. Shocked

-Zia’s Point of View-

“Zia, nakahanda na ba ‘yung mga rekados para sa sphagetti?” Pasigaw na tanong ni Mama na nasa kusina.

“Opo. Nahiwa ko na rin po ‘yung hotdog at rekados.” Pabalik na sigaw kong sagot naman saka muling naghalo ng mango juice sa pitsel na nakapatong sa mesa.

Abala kami ngayon sa bahay dahil birthday ngayon ni Mama at ni Gumgum. Pagkauwi naming galling sa outing ay ito naman ang sumalubong sa akin. Parehong December celebrants silang dalawa. Pinag-isa na lang ‘yung celebration at tinapat sa petsa ng birthday ni Mama para raw hindi magastos. Kaya heto, medyo  busy kami ngayon at kailangan 'yung mga iluluto naming ay ma-accommodate lahat ng inimbita nila Mama at Gumgum. And I’m sure na marami sila.

“Si Kuya Xander, ate, ano’ng oras dadating?” sinulyapan ako saglit ni Gumgum na noo’y nagpapalaman ng mga tinapay.

“Mamaya, darating na rin iyon.” Simple kong sagot.

Siyempre, makakalimutan ba ng pamilya ko na imbitahan si Xander? Ang totoo niyan, dapat mamaya pa siya pupunta rito. Pero dahil iyong si Mama ay may pagkapratikal sa mga bagay-bagay, kinulit niya akong tawagan si Xander at sinabing papuntahain dito para tulungan kami sa paghahanda.

Oo, nakakahiya.

Puro ako reklamo at angal kay Mama at panay ang sabi ko na 'wag na lang. ang kaso, dahil mas makulit at mas mapilit si Mama, bukod pa roon ang ikinagulat kong biglaang pagpayag ni Xander ay wala na akong nagawa kundi ang patulungin siya sa amin.

Nang matapos na ang lahat ng paghahanda ay inutusan na kami ni Mama na magpalit ng damit. Sina papa at Xander na lang daw ang uutusan niyang magbuhat at mag-ayos ng mga upuan at round table sa labas. Kasama na rin ang karaoke at ilang case ng beer na in-order ni Papa sa kaibigan niyang may-ari ng grocery dito sa amin.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay nagmadali na akong naligo at nagbihis. Dahjil hindi naman ako celebrant ay nag-decide na lang akong mag-casual wear. Beige na longsleeve na ‘yung sleeve ay black and white stripe at itim na leggings lang ang suot ko. Ang balak ko sa buhok ko ay half-ponytail lang.

Abala ako sa pag-iipit ng buhok ko nang bigla akong napalingon sa likod ko dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.

“Sino’ng---”

Agad na niluwa ng pinto si Xander, mahina itong kumatok sa pinto at nakataas ang isang sulok ng labing pinagmamasdan ako.

Pairap akong bumaling sa salamin habang siya ay walang paalam na pumasok, “Kumatok ka pa, eh, basta mo na lang binuksan ‘yung pinto ng kuwarto ko.“ Singhal ko.

Nakita ko siyang ngumisi at basta na lang umupo sa kama ko. Humalukipkip pa siyang tinitignan akong nag-aayos.

Grabe, feel at home, huh?

“Hindi naman kailangan na kumatok pa ako. We are couples, remember?” Ano pa ba’ng aasahan ko na sasabihin niya? The usual Xander. I hissed on myself.

“Eh, papa’no pala kung nagbibihis ako at basta ka na lang nagbukas?” Masungit kong tanong.

“Eh di mas lalong ayos! Makakapanuod ako ng free liveshow---aw!”

Pinutol ko agad ang kabalahuraan niya dahil awtomatikong binatp ko siya ng suklay na hawak ko. Walanghiyang bastos!

“H’wag mo ngang dalhin ‘yang kamanyakan mo rito sa pamamahay namin!” mahinang asik ko sa damuhong ito na siya naming ikipanahalakhak niya na parang baliw.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon