Fall#15. The Mysterious Prince

3.2K 49 10
                                    

Casanova’s Fall

© Alia_Sy

Fall#15. The Mysterious Prince

a/n: Me nakakaalala pa po ng storyang to? HAHA! Hi guys, just miss u all :). Busy po ako ngayon dahil OJT ko na po. Senya na po ;))

****

"Ano ba 'to Avegail? Bakit naging ganito ang performances mo? Lahat, palpak? Hindi ka naman ganito dati ah? Ano bang nangyayari sa'yo?" magkahalong pagkadismaya at inis na wika ng boss ng La Familias Café kay Avegail hapon ng araw na yon. Nasa opisina siya nito at habang nagsasalita ito kanina, hawak nito ang daily performance evaluation sheet niya.

Nakayuko lamang si Avegail dahil hindi niya magawang tumingin sa amo nya. Alam nyang sya ang may mali. Alam niya. "I'm sorry boss.." mahinang pagpapaumanhin niya habang ang mga kamay niya ay nasa likod at pinaghawak-kamay nya ito.

Blangko lamang ang ekspression nitong nakatingin sa kaniya na najaupo sa table nya. "You really disappointed me Avegail." he pronounced in dismay.

Bawat salitang binitiwan nito ay nagdulot ng sakit sa damdamin ng dalaga. Unti-unting nag-bi-build up ang frustrations nya sa sarili at paulit-ulit na iniisip na sya ang may pagkukulang.

Alam naman nya kung pano lahat 'to nagsimula. Kung paano ang isang katulad nya na pinupuqi dati dahil sa sipag at pulido niya sa trabaho ay nauwi sa ganito.

(FLASHBACK)

 “Jiro, pinahanga mo ako sa leadership skills mo. Maraming natuwa sa inyo nung last time. Nice one!” agad na nakaramdam ng selos si Avegail habang naririnig nyang masayang pinupuri ng boss nila si Jiro sa naging performance nito nung nag-catering service nila sa pageant show ng Devonshire Academy. Hindi naman kataka-kataka yun, dahil kung sya mismo ang mag-a-assess sa mga ginawa nito the last time, she must say that Jiro meet all the demands na hinihingi ng job nila, mula sa sinerve nilang pagkain, sa sanitation, hospitality, lahat-lahat, puro papuri ang narinig nila sa customers nila.

Nakita nyang tumayo mula sa kinauupuan nito ang boss nila. Nasa kwarto niya sila ngayon at pareho silang nakatayo sa harapan nito. Kaya sila nandito ay dahil ine-evaluate ng boss nila ang performance nila sa nasabing event since sila ang leader at vice-leader ng group nila.

Pasimple nyang tinignan ang katabi, at sa simpleng tingin nyang yun, nakita nyang masaya ito dahil sa mga praises na natatanggap nya. She knows what is the feeling of being praised by others. Masarap ang feeling. At yung pakiramdam naman na yung taong kinaiinisan mo ang napupuri, masakit na nakakainggit. ‘Dapat ako ang nasa lagay niya.’ Malungkot nyang bulong sa sarili. Alam nyang dapat sya ang naging leader ng time nay un at kung nasa kaniya ang position ni Jiro, magagawa rin nya yun at baka nga mas dobleng papuri pa ang marereceive nya dahil alam nyang MAS MAGALING sya sa binata. Pero bakit? Bakit ito ang napiling leader nila?

Her train of thought is cut when she saw his boss tapped Jiro’s shoulder. “Ipagpatuloy mo lang yan Jiro.” Hindi pa rin mawala ang ngiti nito sa binata na mas lalong ikinaiinggit ni Avegail.

After nun, lumabas ang nasa 35 anyos na chubby nilang boss. Naiwan silang dalawa na tahimik. Hindi pinapainsin ni Avegail ang katabi, naprepre-occupied pa rin sa nangyari.

Papa-alis na sya ng maramdaman nyang tinapik ni Jiro ang balikat nya. “Better luck next time Aviee.” he speak softly as he mockingly smile to her saka ito ang unang lumabas ng kwarto.

Nangngingitngit bigla si Aviee ng marinig ang mga salitang yun sa mayabang na Jiro na yun. ‘Better luck huh? Kayabangan!’

-------

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon