Part 19. Yvette's Realization

3.1K 40 3
                                    

Casanova’s Fall

© Alia_Sy

Part 19. Yvette’s Realization

'Haaay...' malungkot na napabuga siya ng hangin. Kasalukuyang hinihigop ni Zia ang binili niyang Zagu drink habang nakaupo at nagrereview sa DA Park. She couldn't focused reviewing dahil sa mga nangyayari. Naguguluhan na talaga siya. Bakit ganun na lamang kung magharumentado si Xander sa kaniya nung isang araw? Speaking of him, dahil sa mga salitang binitiwan niya, hindi na siya nito tinitext ngayon. At kahit pa na may ilang sandali na magkikita sila sa ibang colleges o lugar sa DA, tila ba iniiwasan siya nito. Si Yvette naman, hindi pa rin ito tumitigil sa mga paninira nito sa relasyon nila. Hinahayaan na lamang niya ito kasi tingin niya wala na rin naman siyang magagawa.

Hindi na niya alam kung bakit siya dapat ang maipit sa sitwasyon. Kailangan lang naman niyang mapalapit kay Yvette, magustuhan siya nito at maging magkaibigan sila. Yun lang tapos.

Pero bakit kailangang mapasok siya sa isang sitwasyon na wala naman siyang kinalaman? Maliban siguro sa girlfriend siya nito. Bukod dun, wala na.

Yet a part of her is somewhat concern on Yvette. Hindi niya alam. Nung nakita niya kasi itong umiiyak, para bang nakikisimpatiya rin ang sarili niya rito. Masakit nga talaga ang ginawa ni Xander dito.

Pero ano ba kasi ang ibig sabihin ni Xander sa mga sinabi nito? Gusto man sana niya ito tanungin kaso papano niya ito malalapitan?

'Ugh!'

Nafrufrustrate na talaga siya. Kung sana may mga kaibigan lang siyang malalapitan.

Kung sana andito lang si Avegail...

"Uy,"

Awtomatikong napaigtad siya ng maramadamang may tumapik at magsalita sa likod niya. At sa pagharap niya, namilog ng todo ang mga mata niya. Ang kaninang hinahanap niya sa kaniyang isip, ngayon ay nandito sa harap niya at ngumiti ng matamis.

"Pakner?" gulat na tanong ni Zia.

Bahagyang naningkit naman agad ang mga mata ni Avegail. "Oh bakit parang--"

Mabilis na niyakap siya ng kaibigan.

"Aviee!!" mahigpit siyang niyakap ni Zia at ramdam sa boses nito ang pananabik niya rito.

Gulat at pagtataka naman ang lumukob sa kaibigan.

"U-uy..H-hindi a-ako makahinga."

-----

AGAD na tinanong ni Zia sa kaniyang pakner kung nagtatampo ba ito sa kaniya dahil hindi nito kinuwento ang totoong nangyayari sa kaniya. Mabilis na napakunot ang noo ni Aviee at umiling. Ipinaliwanag nito na matapos ang pag-uusap nilang iyon ay naging abala siya sa pagrereview para sa exams nila. Idagdag pa ang trabaho niya kaya hindi ito gaanong nagpaparamdam. Ngunit ganun pa man, sinabi ni Aviee na bagaman naiintindihan niya na hindi pa handa si Zia na magpaliwanag, dapat ikuwento pa rin nito ang dahilan sa tamang panahon. Nangako naman si Zia na gagawin niya iyon.

Sumunod noon, dahil gulung-gulo na si Zia sa mga nangyayari sa kaniya, naikuwento na niya kay Avegail ang tungkol sa issue na kumakalat sa school nila na ang sangkot ay si Xander at Yvette. Ang totoo, alam ni Aviee ang mga nangyayari ngunit pinili na lang niyang manahimik sapagkat natutuwa siyang pagmasdan ang kaibigan dahil kung magkuwento ito ay parang batang nagsusumbong sa nanay niya.

"Aa.." nawika na lamang niya matapos nitong magkuwento at maghuramentado sa harap niya. Parehas na silang nakaupo na magkatabi sa madamong lugar ng DA Park at nakikisabay ang malamig na hangin sa pagpapawi ng pagod sa kanilang pag-aaral 

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon