Fall#32. Electricity

2.8K 53 2
                                    

Casanova’s Fall

Written by: Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#32. Electricity

“She cast her fragrance and her radiance over me. I ought never to have run away from her... I ought to have guessed all the affection that lay behind her poor little stratagems. Flowers are so inconsistent! But I was too young to know how to love her...” 

The Little Prince by Antoine de Saint-Exupery

Kahit na nagdi-discuss si Sir about sa isang memorable quote galing sa Little Prince sa subject naming Literature, hindi magawang makapag-focus ng utak ko sa sinasabi niya. Masyado itong preoccupied at wala itong tanging laman kundi ang mga sinabi at ginawa ng lalaking iyon kanina.

Nakakainis.

Ayokong mababanggit ang pangalan niya kahit ngayon lang dahil talagang ginugulo niya ang utak ko. Masyadong akong lutang na para bang nakasinghot ako ng rugby. Hindi ko na tuloy malaman kung alin ang pinagkaiba ng kasinungalingan sa katotohanan dahil sa mga kabalbalan na pinaggagawa niya. Would I let him do those weird things that he had saying? Ano bang weird things iyon? Ewan!

To get rid of this ano raw? Bahala nga siya! Hindi ko ma-gets ang takbo ng ulo ng taong ‘yon at ayoko ng mamorblema pa, tss.

I backed to my senses dahil napakislot ako nang maramdaman kong magvibrate ang celphone ko sa bulsa ko. At sa pagslide ko ng wallpaper ko, ang bumungad sa screen nito ay ang pakner kong si Aviee.

Aviee:

Uy, anong oras matatapos ang klase mo? Andito na ako sa may cafeteria. Maya-maya pa ata ang labas ni Sean. Uy bruha ka, ang dami mong ikwekwento sa akin, ah? Hihi. I miss you, pakner ♥

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Pasimple akong nagreply sa text niya.

Me:

Saglit na lang ‘to. Medyo bored na nga ako, eh. Lit ba naman ang subject. Haha, oo magkwekwento ako kahit wala namang nangyari doon. I miss you too, pakner ♥♥

Nang maipindot ko na ang ‘send’, hindi nakatakas sa akin ang pangalan ni Sean. I miss Aviee, ofcourse. At siyempre, namiss ko na rin si Sean, everything about Sean. Kaya lang, ba’t nabawasan ang pagksabik ko sa kaniya?

Gaga ka talaga, Zia! Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa nakikita ‘yung tao! Mamaya niyan, mahimatay ka na ‘pag nakita mo na siya!

That’s it!

Pagkatapos ng sobrang nakakaboring kong subject sa World Literature, lumabas na kami ng mga kaklase ko at agad ko ng tinungo ang cafeteria ng DA. Walking distance lang siya mula sa School of Arts and Sciences so, hindi nakakatamad maglakad. Nang makarating na ako sa loob, awtomatikong hinanap agad ng mga mata ko ang table nina Aviee. Nasabi na niya kasi sa text na nasa table na sila kasama sina Sean at, err, Kaye.

“Pakner!”

Napalingon ako sa direksyon ng boses na iyon at napasinghap ako agad.

“Aviee pakner!”

Excited kong saad habang nagtatakbo ako sa kaniya. Para akong batang niyayakap ko siya na siya naman ay nakaupo at medyo natutumba dahil sa mahigpit kong yakap. Grabe, I miss my bestfriend! One week din iyong nawala ako. Umupo muna ako sa tabi niya saka siya nagtanong.

 “Kamusta ka na? isang linggo rin na nawala ang presensya mo sa campus?” ubod ng pagkamiss niyang tanong. Bago ko pa muna nasagot ang tanong niya, nahagip na ng paningin ko ang nakaupo sa harap naming si Sean.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon