Fall#21. The Play

2.9K 38 2
                                    

Casanova's Fall

© Alia_Sy/Pennyrific of Wattpad

Fall#21. The Play

'The hell!'

Ito ang nais isatinig ni Avegail sa lahat ng mga taong nanonod dito na para sa kaniya, nakakaimbyeranang "Marriage Booth" na ito.

Teka nga, paano ba nagsimula ang lahat?

Kanina, masaya niyang nilibot ang mga nakatayong booths sa schools nila. Ang daming booths tulad ng foods, accessories and souvenirs, karaoke at kantahan at kung ano-ano pa. Game na game siyang

subukin lahat, at eto na rin ang way para maiwasan ang anino ni Jiro kahit ngayong araw lang.

Hindi niya akalain na talagang seseryosohin nito anp pinagsasabi nitong 'Game of Love' nila. It started last week. Parati siya nitong sinusundo sa boarding house nila at hinahatid sa trabaho nila at sa school. Madalas naman niya itong binabara at sinusupladahan ngunit puro ngisi at naghihinampo pa ito na parang bata pag naiinis siya. Ugh! Nakakairita talaga!

Iwinaksi niya ang kamay niya at inisip na dapat hindi niya isipin ang kulugong yun. Nandito siya para mag-enjoy at hindi para mabwisit.

Sa gitna ng kaniyang paglalakad, agad siyang nagitla ng maramdamang tila ba may humawak sa kamay niya sa may likuran niya. Awtomatiko niyang tinignan kung sino iyon. Tumambad sa kaniya ang dalawang batang lalaki na mas bata sa kaniya. Tatanungin sana niya ang mga ito kung bakit hinawakan ng isa ang kamay niya ngunit natigilan siya ng posasan ng lalaking may hawak ng kamay niya ang kamay niya mismo.

Naningkit agad ang mga mata niya. "B-ba--"

"Sorry miss. Your underarrested 'coz you stole a heart from someone." pahayag ng kasama nito.

Naguguluhan niya itong tinapunan ng tingin. "A-ano? T-teka? Tiga-marriage booth ba--"

"Sumama na lang po kayo sa amin ate." singit ng lalaking nakahawak ng kamay niya. Sa huli, walang nagawa pa si Avegail kundi ang magpatianod na lamang.

Habang naglalakad, kinukulit niya ang mga ito kakatanong upang malaman kung sino ang may pakana nito. Sagot ng isa, isang lalaki na kasing edad niya ang nagbayad daw ng 200 php para 'ikasal kuno' siya nito. May hinala na siya kung sino ang may gawa ng kalokohang iyon.

'Jiro!'

*****

Nang makarating na sila sa nasabing lugar, dali-dali siyang pinagbihis ng iba pang kasamahan ng mga ito ng wedding gown. Naiinis siya sa nangyayari. Talagang ang lakas ng loob nito! Akala naman niya magpapadala siya sa kalokohan niya.

'Aminin mo, kinikilig ka naman, pakipot ka talaga Aviee.'

Lintek! Dapat matapos na ang kalokohang ito. Tch. Pag nag-i-do's na, sasabihin niyang hindi, tama nga!

Nang matapos na siyang magbihis at inayusan, lumabas na siya sa dressing room, she saw the amusement look and gasped of her fellow students. Napaismid tuloy siya sabay napahalukipkip ng braso. Tsk. Para namang me dumi sa katawan niya. Ngayon, gusto niyang makita ang magiging 'groom' niya ng maupakan niya!

Sinamahan siya ng dalawang estudyante na nagposas sa kaniya kanina at dinala siya nito sa may kunwa-kunwariang altar ng booth. Doon, hindi niya inaasahan ang naghihintay sa kaniya.

"Ken?"

Si Ken ay isa sa classmates niya sa kursong Accountancy. "I-ikaw?" hindi niya makapaniwalang saad ng makalapit na siya sa binata.

Casanova's Fall (NO EPILOGUE POSTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon