Special Chapter #2 / Original Version 2013

10.8K 227 86
                                    

Visit my profile. Follow me on twitter. Add me on facebook. Enjoy yourselves. :) 

SPECIAL CHAPTER #2

* * *

"Bryan, chill ka lang. Alam mo naman kung anong ugali nun ni Brent eh. At tsaka why don't you give him space?" tanong ko sakanya dahil kanina pa siya halos mag-basag ng mga gamit niya dito sa loob ng office.

Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Space? I already gave him more than three years of that fucking space and he still needs it?!"

Oh shoot. Talagang badtrip nga siya dahil meron nang bad word na kasama. Hindi siya mapakali sa inuupuan niya dahil sa nagkasagutan nanaman sila ni Brent kanina. Bagong bagong taon pero mag-kaaway sila.

"Alam mo naman na hindi niya forte ang business eh. Sinabi naman daw niya 'yun sainyo diba? He likes cars, hon. Not this."

"May I remind you that he's my father's real son. Siya ang dapat mag-mana nito, not me!" Oo nga pala, sinabi na sakin ni Bryan lahat nang nangyari. Hindi pala siya anak nila Mr. Dalton and Ms. Jena. 

"May I remind you din po, na ikaw ang tunay na anak ng tunay na tigapag-mana ng kompanya? My goodness Bryan! You're the true heir of this company, not Brent! Ikaw ang anak ni Mr. Jedidiah!" I exclaimed dahil hindi parin niya ma-gets na ayaw talaga ni Brent sa kumpanyang ito.

"I don't care!" sigaw niya sakin saka siya umupo. "Para namang may mararating siya sa pagiging car racer niya! At ano pa yung mababalitaan ko? Na, he's what? He's linked to every girl he sees? I can't even imagine him being serious with his life!"

"Calm down sour cream," lumapit ako sakanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. He was tensed. His whole body was freaking tensed. Pero nang mahawakan 'ko ito, kumalma ito ng konti. "I love you," bulong ko rito saka ko siya niyakap mula sa likod. He heaved a sigh saka niya inikot ang swivel chair niya dahilan para mapa-upo ako ng patagilid sa lap niya. 

"I'm sorry for stressing you out these past few days," sabi niya sa'kin. Napangiti nalang ako dahil totoo 'yun. Habang tumatagal, mas lalo kaming naii-stress nang dahil sa trabaho namin. Kaya ko naman maging director ng accounts department. Pero ang magkaroon ng boyfriend na executive vice president ay hindi biro. I have to understand him every single day. Lagi siyang wala... Medyo mahirap rin dahil umalis si Brent ngayon.

"It's okay, hon. Alam mo naman na girlfriend mo ako diba? I promised you that I'll never leave you, right?"

He chuckled softly saka niya ipinatong ang chin niya sa balikat ko habang nakayakap ang pareho niyang kamay sa bewang ko. "You did and so did I."

Hinalikan niya ako sa cheeks kaya naman napangiti lang ako while hugging his arms that were hugging my waist. 

"Minsan iniisip ko kung ano kaya ang nangyari kung nagkakilala tayo ng maaga.." pagsisimula ko nang maramdaman kong medyo okay na siya.

"Edi mas maagang naging tayo," wala sa sariling sabi niya.

"Asa ka naman. Hindi parin kita mapapansin nun no," pagbibiro ko sakanya saka ako tumawa ng umirap siya na parang batang ewan. "Ang cute cute ng baby ko!" sabi ko saka ko kinurot ang magkabilaang pisngi niya ng sobra sobrang higpit dahilan para man-laki ang mata niya.

"WHAT THE HELL NICOLE CORTEZ!" sigaw niya dahilan para mapatakbo ako sa kabilang side ng office niya nang magsimula rin siyang habulin ako. 

Nag-habulan kami doon at naramdaman kong unti unti ay nawawala na rin kahit papaano ang stress namin sa loob ng dalawang week ng January. 

Nag-celebrate kami ng Christmas and New Year together with my family. Kasama namin si Brent at ang mga kaibigan ko nang umuwi kami sa Ilocos para mag-pasko. It went good naman dahil botong boto naman sakanya ang mga kamag-anak ko. Maraming mga pinsan ko ang may crush sakanya at kay Brent kaya natatawa nalang ako. Noong New Year naman, doon kami sa bahay nila Bryan.. Kasama ko si mama noon at ang mga bitch kong kaibigan. Si Brent naman... Hindi ko alam kung saan nag-celebrate.

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon