Chapter 18 / Original Version 2013

13.9K 260 106
                                    

Play the video on your right side. Thank you.

*Chapter 18: Mahirap maging masaya, baka kasi bukas hindi na*

"Anong ginagawa dito ng napaka ganda at sexy kong bagong best friend?" Napatingin naman ako sa malanding nag-salita. Confirmed. Malandi nga. Si Ivan eh. Basta malandi, si Ivan agad. 

"Layuan mo nga ako, Ivan." Yun nalang ang nasabi ko sakanya. Wala nanaman kasi ako sa sarili. Siraulong Brent yun. Ang dami ko tuloy biglang naisip.

"Tsss. Ang arte naman nito. Alam kong malandi ako pero hindi naman kita lalandiin no, Nics!" Lumapit siya sa'kin saka ako nginitian. Yung malanding ngiti. Sinampal ko nga ng mahina. "Aray! Grabe. Morbid nito. Parang nilapit ko lang yung mukha ko eh." Reklamo niya sa'kin.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko't saka ko pinagpag ang mga buhangin sa'kin. "Halika na nga! Malapit na yung call time oh. Nasaan ba kasi si George?" 

He just shrugged. "Hindi ko alam. Nagbibihis pa ata eh. Bakit hindi ka pa naka-swim suit?" Tanong naman niya sa'kin. Naka-shorts na kasi siya and t-shirt. 

"Naka-swim suit na ako sa loob no." Sabi ko naman sakanya. Naka-shorts kasi ako and tank top lang. Ang ganda ko syempre! As usual. Kahit naman anong suotin ko, magandang maganda parin ako. 

"Ah.." Sagot niya habang naglalakad kami palapit kung nasaan ang halos lahat ng officemates namin.

Nakita namin na isa-isa nang dumadating ang mga officemates namin. At nasa gitna naman yung event organizer. May hawak hawak siyang megaphone. Tinitignan niya ang orasan. Mukhang time-conscious ang isang 'to ah?

"GUYS! LAHAT NA PO, DITO!" Sigaw niya kaya napapunta lahat sa sea-shore kung saan meron iba't ibang net at mga baloons. May hawak hawak silang kung anu-ano. May mga upuan rin sa gilid. 

"Hello! I'm here." Napatingin naman ako sa kadadating lang na si Georgina. Aba. Naka-swim suit na ang bruha habang may maluwag na orange na cover-up. Taray talaga nito.

"Hi sexy! Ang ganda natin ah?" Napatingin naman siya kay Ivan na kumindat lamang sakanya. The fuck. Naglandian talaga sa harapan ko eh no?

"Hello there handsome! Ang sexy ng abs natin ah?" What? Hindi naman nakikita abs nitong si Ivan ah? Naka t-shirt lang 'tong Ivan na 'to eh. Landi talaga nilang dalawa. Isang bitch at asshole? Wahaha. Di bagay!

"Syempre. Para sa'yo 'to eh." Waaaaa!Rated SPG talaga.

"PWEDE BA? BATA PA AKO! HINDI AKO AWARE SA MGA GANYAN KAYA SHUT UP. SHUT UP." Inis na inis na sabi ko sakanilang dalawa. Humalakhak naman ang dalawang malandi. Hindi na rin sila nakapagsalita dahil sa nagsalita agad ang event organizer namin.

"Okay! Mukha namang nandito na ang karamihan sainyo.. Okay. Our first activity ay dito sa sea shore. Syempre.. Let's first start sa isang game kung saan maraming nakaka-alam."

Agad na nag-react ang mga tao. Maliwanag ang araw pero malamig. Hindi siya nakaka-itim. Kahit maliwanag, meron paring mga clouds at puno. Mahangin rin siya kaya makikita mo ang mga buhok na hinahangin. Buti nalang naka-pusod lang ako. 

Marami kami sa beach. Masaya lahat.. Nag-uusap usap. Pero yung mga matanda, nasa isang gilid lang at nakiki-nuod.

"VOLLEYBALL!" 

Noong sinabi yun, maraming nag-sigawan at nagtulakan. Hindi pa nga sinasabi kung anong gagawin, meron na agad mga taong nagtatawanan dahil sa mga pagtulak sa mga kaibigan nila.

"I need six groups! Yellow, Blue, White, Green, Orange and Violet!"

Maraming nag-presinta. Ang ingay ingay. Sobra. Hindi ko rin alam kung paanong naka-punta kaming tatlo ni George at Ivan sa Blue team. HINDI AKO MARUNONG NG VOLLEYBALL! Gusto kong isigaw yun kasi nahihiya naman ako. Errrr. I'm the perfect Nicole Y. Cortez, duh?! Pero bakit hindi ako marunong ng volleyball. Maybe because it's not my cup of tea. Or talagang loyal lang ako sa trabaho ko at hindi sa mga sports na ganito.

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon