Chapter 02 / Rewritten Version 2022

53 5 2
                                    

Chapter 02 / Rewritten 2022

Note: Re-written, 2022 Version by Starlee.


Almost 4 years ago...
(FLASHBACK)

"Kabado?" Tanong ni Chanel nang pumasok kami sa conference room. It's Chanel's first day but it's my final interview. Nagkataon lang na nagkasabay kami.

Nararamdaman 'ko ang kabog ng puso 'ko pero huminga lang ako nang malalim. "Bakit sobrang lamig dito?" bulong 'ko habang hinihila pababa ang palda 'ko. Bwisit na aircon 'to, kung maka-ihip nang hangin akala mo walang bukas.

"Kabado ka lang ata." Sambit ni Chanel sa'ka niya nilapag sa harapan 'ko ang tubig niya. Tinignan 'ko lang siya at inayos ang buhok. Oh my god, bakit ang lamig lamig naman dito? Mag-reresign na ako kung ganito kalamig. Bwisit. "Hoy, Nics, umayos ka nga." Bulong ni Chanel.

Tinignan 'ko ang paligid. Kaming dalawa lang naman ang nasa malaking conference room na ito. This wasn't my first time seeing this, my initial and second interviews were held here. I was calm and collected then. I was confident with my skills and educational background. But suddenly, I felt a little bit nervous. "I just don't understand why I have to go through a final interview." Sagot 'ko sakanya, halos nanggigigil.

"Malamang no! Alangan naman lahat merong final interview tapos ikaw wala? Ang ganda mo kasi eh no." Asar naman niyang sabi sa akin.

Tinignan 'ko siya't inirapan. "Oo maganda talaga ako, I deserve a special treatment!" I whisper yelled at her. "I just don't know why I have to be interviewed by the CFO. Eh hindi naman siya ang boss 'ko. Pahihirapan pa ako, hindi na lang ako i-hire agad."

"Syempre 'yung CFO 'yung boss ng boss mo eh. Malamang gusto kang makilala." Inirapan 'ko ulit siya at uminom ng tubig. At bakit ang tagal? 10 minutes na, ah? Ano ba naman yan. Filipino time pa'rin ba kahit sa interview? "Nics," tawag ni Chanel at tinignan 'ko siya. "Meron akong nakitang mukhang chismosa doon sa labas kanina. Tinanong 'ko kung sino 'yung CFO. Sabi nila gwapo daw." Mukhang excited ang loka-loka.

Tinitigan 'ko lang siya. "Ew. Lalaki 'yung CFO?" Mabilis 'kong sagot.

"Hoy..." Nanlaki naman ang mata niya at tumingin sa paligid kahit wala namang tao. "Ikaw talaga. Alam 'ko naman na man hater ka, pero 'yung position mo dito, mataas. Hindi ka pwedeng mag-comment ng ganyan. Para kang sexist."

"It's time for women to lead." Reply 'ko naman.

"Oh, edi mag-apply ka sa ibang kumpanya. You don't have any choice if your boss has balls."

Napatawa ako nang marinig 'yun at siya din. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay 'ko. "You'll do great. You have to. Kasi kailangan magka-work tayo dito. Ok?"

"I always do great," I replied.

"Ms. Cortez?" napatingin kami sa pintuan at nakita ang recruitment coordinator. "Mr. Lopez is ready for you."

Huminga ako nang malalim at sinundan siya. Saka 'ko na-realize na napaka laki talaga ng opisina nila. And unlike the other company where I interned at, super elegant and spacious ng office na ito. Lahat 'rin ng empleyado ay naka-mac. Halatang US based company, dahil makikita mo 'rin na may mga ibang lahi na nandito.

"No, no, I told you to move the meeting tomorrow." Narinig 'ko mula sa labas ng opisina ng CFO.

"Sir? Ms. Cortez is here." I stayed outside of his office dahil sumenyas ang coordinator na wag na munang pumasok. Mukhang may kausap pa ata, either in person or sa phone.

"Well, I can't meet with them today!" medyo malakas na sigaw niya. "You need to do a better job. Hindi ito joke, Brent. I'm serious." Singhal niya. "Sige na! May gagawin pa ako. Oo. Bye."

The NBSB's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon